Chapter 33

9.1K 207 4
                                    

"Daig mo pa ang girlfriend na sinusuyo." tawa ni Clea nang ikwento ko sa kanya ang nangyari kahapon.

Hinila ko ang buhok niya. Napadaing tuloy at natigil sa pagtawa.

"Pero tama yan. Huwag kang marupok." muli niyang pasada.

Inirapan ko siya bago umayos ng upo. Nasa apartment niya ako ngayon. Hindi ko pa kasi nasasabi kay nanay na nagresign na ako sa trabaho kaya tumambay muna ako dito. Hindi naman pwedeng sa bahay ako tatambay dahil agad akong mabubuking.

Tsaka ko nalang sasabihin na nagresign ako kapag nakahanap na ako ng bagong trabaho.

Muli kong tinignan ang aking phone. May dalawang mensahe roon galing kay Kaleb pero hindi ko nireplyan. Tinatanong niya ako kong babalik pa ako sa trabaho at alam naman niya ang sagot ko roon. Ang isa ay good morning.

Sa buong araw, inasikaso ko ang aking paper para makapag apply sa panibagong trabaho. Ang hassle lang kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin nila pinoprocess ang resignation ko. Ofcourse, Kaleb didn't approved it. Pinapabalik pa nga ako... pero nakapagdesisyon na ako. Hindi na ako babalik roon kahit anong laki pa ng sahod.

Nagsend ako ng resume sa mga job opening na nakikita ko online. Ang hirap makahanap ngayon ng trabaho na may malaking kita. Lalo na at hindi naman talaga ako nakapagtapos ng trabaho. Kung iisipin sobrang swerte ko sa trabaho kay Kaleb. Sabihin ko man sa sariling hindi dapat ako  nagpapaapekto sa sinasabi ng tao ay hindi ko maiwasang masaktan at maguilty. Lalo na at pakiramdam ko hindi ko deserve ang trabahong iyon.

"Alis na ako." paalam ko kay Clea na kasama kong tumambay sa apartment niya.

Wala din kasi siyang trabaho ngayon.

"Ingat." sabi niya habang nakapokus sa kanyang paa na nilalagyan ng nail polish.

Padilim na sa labas. Natigil ako sa paglalakad nang tumunog ang aking phone.

Kumunot ang aking noo nang makita na si Kuya Andres iyon.

"Hello, Kuya Andres."

Naupo muna ako sa waiting shed para masagot ang tawag.

"Nylah, mabuti naman at nasagot mo."

"May problem po ba?"

"Ma'am, pupwede po bang makahingi ng favor? Pwede pong icheck ninyo si Sir Kaleb? Masama po kasi ang pakiramdam at hindi ko matawagan. May problema po kasi sa bahay kaya hindi ko mapuntahan."

"H-huh?"

Bakit ako? Gusto kong idugtong. May fiancee naman siya. Bakit hindi nalang siya ang tawagan? Hindi naman na ako empleyado ni Kaleb.

Bago pa ako makaangal ay umingay ang kabilang linya at tuluyang naputol ang tawag.

Wala pang ilang segundo ay pumasok sa aking phone mensahe na naglalaman ng address ni Kaleb galing kay Kuya Andres.

Okay lang kaya iyon? Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala. Mabilis akong tumayo at pumara ng taxi.

Hindi ako mapakali sa loob ng taxi. Tinawagan ko ang phone ni Kaleb ngunit gaya ng sabi ni Kuya Andres ay  unattended ito. Ang huling text galing sa kanya ay sinend niya noong seven ng umaga.

Mga ganitong oras may natatanggap akong mensahe sa kanya.

"Pakibilisan po Kuya." sabi ko kay Manong driver.

Mas lalo akong kinakabahan.

Nang nasa building na ako ay tinanong muna ang aking pangalan bago papasukin. Mabuti na lamang at nasabihan ni Kuya Andres ang security guard sa baba.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon