Chapter 8

8.4K 215 2
                                    

Pagkauwi, muli ko na naman sinearch ang pangalan ni Kaleb sa internet. Walang masyadong impormasyon sa kanya pero nakalagay roon ang ilan niyang achievements. Nakikita ko pa ang balita patungkol sa pagbaba niya ng pwesto at ang cancelled engagement niya.

Kailangan ko talagang ihanda ang sarili ko sa mga banta niya. 

Halos ilang oras akong nakatunganga roon bago nagdesisyon na gumawa ng resume upang mag-apply ng panibagong trabaho. Parang hindi ko na kasi matagalan ang pagiging escort ko dahil sa dami ng manyak. Alam ko naman na kaakibat iyon ng trabaho ko pero minsan nakakapang-init talaga. Lalo na kapag hindi sila sumusunod sa contract.

Kung hindi dahil sa mataas na perang nakukuha ko roon, matagal na akong umalis roon. 

Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay upang magpasa ng resume sa mga nahanap kong job listing sa internet. 

Tirik na tirik ang araw at halos tagaktak na ang pawis ko. Kanina pa ako nababadtrip dahil bigla biglang nagiging 'no hiring' kapag magpapasa na ako ng application. Inignora ko lang ang mga nauna pero pang-ilan na akong tinatanggihan.

"Good morning ma'am, ano po sa inyo?" tanong sa akin ng isang crew.

Pumasok ako sa isang kilalang fastfood chain upang magpasa ng resume nang makita ang job hiring post nila sa labas.

Kahit medyo inis, ngumiti pa rin ako. Sinasabi ko talaga kapag sinabihan pa ako rito ng 'no hiring' may mali talaga. Iisipin kong kagagawan ito ng Kaleb Del Prado na iyon. 

"Nakita ko po iyong job hiring sa labas, magpapass lang sana ako ng application form." ngiti ko sabay abot sa crew.

"Okay po ma'am. Wait lang po, tawagan ko lang iyong manager namin." mabait niyang sabi.

Medyo gumaan ang loob ko. Pakiramdam ko tatanggapin ang application ko rito.

Wala pang ilang minuto ay bumalik na ito kasama ang isang lalaki na mukhang manager ata nila base sa kanyang uniporme.

"Good morning po." bati ko.

Ngumiti ito pero ramdam ko na pilit. Kumulo muli ang dugo ko dahil gantong ganto kanina sa mga una kong pinagpasahan.

"Ma'am, I'm sorry po. I just got a call from the management. Full na daw po ang quota ng mga applicant." paghingi ng sorry nito.

Nanggigil na talaga ako. Pangsampu na ito. Mukhang tama ang hinala ko. Tangina talaga ng lalaking iyon. Alam ko namang may atraso ako sa kanya pero nakagigil talaga siya. Bakit niya dinadamay ang trabaho ko?

"Ay ganoon ba. Oh di sana tinanggal niyo na ang hiring post ninyo sa labas." 

Hindi ko mapigilang magtaray. Mukhang medyo kinabahan ang manager. Inis kong kinuha ang application form ko at naglakad papalayo. 

Nawalan na ako ng ganang magpasa pa ng application. Ilang beses ba naman akong tanggihan. Sinong hindi mabwubwuisit. Kainis talaga.

"I swear, Clea. Siya ang may kagagawan non. Hindi coincidence kapag sampung beses ng nangyari." inis kong sabi habang pabalik balik na naglakad sa kanyang harapan.

Hindi pa rin maalis ang pagkainis ko. 

"Well, hindi na ako magtataka pa. Maraming connection ang mga Del Prado. Siguradong ginagamit niya iyon." 

"Bwuisit na lalaking iyon." 

Nakapamaywang na ako.  

"Dapat iyong nagbayad sa akin ang pinaparusahan niya." 

"Malay mo pareho kayong ginaganyan. Hindi naman siguro siya dense para hindi malamang ikaw lang ang may kagagawan noon. Lalo na at wala kang motive." 

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon