Chapter 37

7.9K 170 8
                                    

Ang sarap gumising kapag ganito ang bubungad sa akin. Mataman kong tinitigan ang tulog na si Kaleb. On normal days, mas nauunang siyang nagigising sa akin. Iba ngayon dahil siguro sa pagod at ang ilang araw na puyat.

Napangisi ako nang gumalaw ang kanyang makapal na kilay. Bahagya itong nagsalubong bago muling bumalik sa dating ayos. Bumaba ang tingin ko sa kanyang nakapikit na mata. I was waiting for him to open his eyes but he didn't seem to feel my stare. Tulog na tulog siguro.

Naglakbay ang mata ko sa matangos niyang ilong papunta sa kanyang mapupulang labi. Bigla akong namula nang maalala ang ginawa namin kagabi. I don't even know where did he get his energy. Alam kong pagod siya sa trabaho pero kagabi, walang bahid ng pagod sa kanyang katawan nang ilang beses niya akong inangkin bago pinatulog. Ngayon ay bagsak na bagsak tuloy.

Walang takot ang paninitig ko sa kanya. Parang kailan lang noong kinakabahan pa ako na baka mahuli niya ang paninitig ko. Now, I'm free to stare at him kahit gaano man ito katagal.

I got impatient waiting for him to wake up lalo na at naramdaman ko na ang pagkalam ng aking sikmura. Iniangat ko ang kanyang braso at binti na nakadagan sa akin. Medyo nahirapan ako dahil sa bigat nito.

Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit. I was wearing his shirt na pasado na bilang dress dahil hanggang hita ko na ito. May suot naman akong panty.

Dumiretsyo ako sa kanyang banyo upang mag-ayos. Sa ilang pagoovernight ko dito ay may sarili na akong toothbrush. I even have my own clothes on his large walk -in closet. Hindi ko iyon dinala...pinabili niya mismo. Wala na ata siyang paglalagyan ng pera niya.

Matapos mag-ayos ay bumaba na ako. Tulog na tulog pa rin ito nang lampasan ko papunta sa pintuan. Nang nasa kitchen na ako ay mabilis na akong gumalaw para makapagluto. It's almost 7:30 am. Baka magising na si Kaleb at magtatrabaho pa siya. Kahit gusto kong magday off nalang siya para makapagpahinga, alam kong may problema sa kanilang kompanya. Kailangan siya roon.

Katatapos ko lang ilapag lahat sa table ay pumasok na si Kaleb sa kitchen. Nanuot agad sa akin ang kanyang amoy. His manly scent is addicting. Katatapos niya lang maligo base sa kanyang buhok na basa pa at kanyang amoy. He's now dressed on his formal attire minus the coat. Tanging ang button-down sleeves na nakatupi hangang sa kanyang siko, black slack at leather shoes ang suot ngayon.

"Good morning."

Ngumiti ako sa kanya. "Good morning." I said.

Lumapit na ito sa akin upang mayakap. Now, I can closely smell him.

"You're going to work?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.

Tumango siya habang yakap yakap niya. Sinandal ko ng aking ulo sa kanyang dibdib.

"I'm sorry."

"I understand, pero huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Tapos wag mong kalimutan na kumain. Gusto mo ba ipagbaon nalang kita. Baka kasi makalimutan mong magpaorder ng pagkain. "

"Is your new secretary doing his job right? Pinapaalalahanan ka bang kumain." tanong ko.

Umangat ang tingin ko sa kanya. Bigla akong nahiya nang makita ang kanyang expression. He was looking at me with his amused expression.

"What else?"

Umurong ang dila ko. Umiling ako.

Mahina itong humalakhak.
"I'll keep that in mind." ngiti niya.

"Kain ka na." tinulak ko na siya paupo para maalis ang kanyang titig sa akin.

Sinabayan ko siya sa pagkain.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon