"Clea, Anong gagawin ko?" naiiyak kong tanong pagkabukas niya ng pinto.
Siya agad ang pinuntahan ko.
" Anong nangyari?"
Taka at nag-aalala niyang tanong.
"Bakit ka umiiyak?" hinila niya ako papasok.
Tuloy tuloy ang daloy ng aking luha. Kahit pigilan ko pa ay ayaw magpapigil dahil sa sobrang inis, galit at pag-aalala para sa sarili.
Inabot niya sa akin ang tubig. Sinubukan kong kalmahin ang sarili.
"Anong nangyari?" mahinahon niyang tanong nang medyo kumalma na ako.
"Natatakot ako. Paano kapag totohanin niya iyong sinabi niya?"
Kumunot ang kanyang noo.
"Sandali nga lang, paki-explain naman kung ano munang nangyari?"
Tumango ako bago ikwenento sa kanya ang lahat.
"Aba'y sabi ko na nga ba at parang may mali sa booking na iyon eh." pabalik balik itong naglakad sa aking harapan.
" Sinabi mo ba sa kanya na binayaran ka lang. Kinausap mo na ba iyong babaeng kumuha sa iyo."
"Sinabi kong binayaran lang ako pero hindi ko pa nakakausap ang babae."
"Anong sabi?"
"Mas lalong nagalit." naiiyak na naman ako.
Ano ba itong pinasok ko?
Binuksan muna ni Clea at TV upang magkaroon ng distraction.
Nakatutok ang mata ko sa TV at halos mahulog ako sa sofa nang makita ang pamilyar na mukha roon.
"Iyan iyong lalaki." turo ko.
"Anong sabi mo?" gulat na bumaling sa akin si Clea.
Mas lalong dumoble ang frustration niya.
"Kaleb.. The Kaleb Elliot Del Prado."
Para itong may napagtanto.
"Kilala mo?" tanong ko.
" Galing yan sa mayamang pamilya, the Del Prado clan. Kilala sa larangan ng politiko at negosyo. Ayaw ko mang takutin ka, pero you're fucked up sis."
Gulat at nakapamaywang si Clea sa aking harapan. Nanlumo ako dahil sa nalaman.
"Hu--"
Naputol ang sasabihin ko nang muling magsalita ang news anchor.
"Kinumpirma ng pamilya ni Calla Martin ang balitang hindi tuloy ang engagement. Matatandang inanunsyo ng pamilya Martin at Del Prado ang engagement ng dalawa noong isang taon.
Kasabay din nito ang pagbaba ni Kaleb Del Prado sa kanyang pwesto bilang CEO ng DELPRA Powersteel Inc. Wala pang inilalabas na pahayag kung ano ang dahilan ng hindi pagkakatuloy ng engagement at pagbaba sa pwesto ng batang CEO"
Nanlaki ang mata ko. Anong gagawin ko?
Muli naman akong umiyak.
"Anong gagawin ko?"
Lumapit sa akin si Clea.
"Sshhh. Tinanggalan ka naman niya ng trabaho. Baka iyon na iyon."
Hindi. Hindi pa siya tapos. Hindi lang iyon ang gagawin niya. Sa galit palang niya sa akin.
---
Sa sumunod na araw, masyado akong naging praning. Lagi lang akong nasa bahay o kaya'y sa hospital. Hindi ko na rin pinuntahan iyong exit interview ko dahil sa takot na baka makasalubong ko si Kaleb.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...