Naalimpungatan ako dahil sa sunod sunod na pagtunog ng aking phone. Ilang segundo ko iyong inignora pero nakakawala ng antok kaya wala akong choice kundi abutin ang phone na nakalagay sa aking side table.
Binuksan ko ang mata ko ng kaunti bago upang silipin ang phone. Biglang nawala ang antok ko nang makita kung sino iyon. Napaupo ako sa kama.
May dalawang missed call doon si Kaleb tapos ilang mensahe galing kay Kuya Andres.
"Shit, ngayon ba iyon?" hindi ko mapigilang mura nang mabasa ang mensahe.
July 24... Ngayon nga...
Kuya Andres:
Ma'am, susunduin ka pa po ba namin?Kuya Andres:
Saan na po kayo? Mahuhuli na tayo sa flight.Sa lahat ng pwede kong malimutan, bakit ito pa? Muli kong inalala ang sinabi ni Kaleb noong nakaraang linggo na may conference siyang dadaluhan ngayong week. Ngayon iyon. Nakalimutan kong ilagay sa note ko.
Tumayo na ako sa kama ang nagsimulang maglagay ng damit sa aking duffel bag. Sana mahintay pa nila ako. Ni hindi ko pa alam ang details ng flight namin.
To Kuya Andres:
Sorry Kuya,, late ako ng gising!!!Matapos kong masend iyon ay inayos na ang mga damit na pinagbabato sa duffel bag. Pati ang mga sapatos na dadalhin. Sa sobrang dami kong kailangan kong gawin, hindi ko alam kong anong uunahin. Putcha... sana huwag magalit.
Kinuha ko na ang towel bago dumiretsyo dala ang aking phone dahil baka tumawag sila.
Pagkapasok ko ng banyo ay saktong pagpasok ng text galing kay Kuya Andres.
Kuya Andres:
Ma'am pakibilisan nalang po. Medyo masama ang timpla ni Sir.Putcha naman. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Dinial ko nalang ang phone number ni Kuya Andres.
"Hello, Kuya. Anong oras po ang alis natin?" tanong ko habang tinatanggal ang damit para makaligo na. Nakalapag ang nakaloud speaker na phone sa mga lagayan ng shampoo.
"Ma'am, 6:30, Saan na po kayo?"
Nanlaki ang mata ko. 5:30 pa lang ngayon. May isang oras pa ako. Malapit lang naman ang airport dito sa bahay, aabutin lang ng sampung minutong biyahe pero malalate pa rin ako.
"Is that Nylah?" isang mababa at seryosong boses ang narinig ko sa kabilang linya. Alam ko agad na si Kaleb iyon. Natigil ng paghinga ko. For sure, magagalit na naman iyon.
" Baka hindi ako makaabot." sabi ko.
"Why?"
Halos madulas ako sa tiles ng banyo nang marinig siya. Bakit nasa kanya ang phone?
Kabado ako nagsalita.
"Goodmorning Sir, Traffic po." napapikit ako dahil sa kasinungalingang sinabi. Sa lahat ng pwedeng sabihin, iyon pa talaga ang lumabas sa bibig ko. Ang talino mo talaga, Nylah..Grabe.Gusto ko nalang abutin ang phone at patayin pero sa halip binuksan ko nalang ang shower para makaligo at makaalis. Hininaan ko lang ang pressure para hindi rinig ang lagaslas sa kabilang linya.
"Really? Early this morning?" tanong niya. Sa tono niya palang, alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
"Hello, sir... Naririnig niyo ba ako.. Nandiyan pa ba kayo.. Helloo!!" pagkasabi ko noon ay inend call ko na agad.
Matapos ay minessage ko nalang siya.
Kuya Andres:
Sir, hindi ko po kayo marinig. Nawawala ata signal sa banda ko. Malalate po ako, sorry po.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...