Madalas maraming tao sa club lalo na tuwing weekends ngunit iba yata ang dami ng tao ngayon. Sa sobrang dami halos hindi na ako makapagpahinga pa. Namamanhid na ang paa ko kakalakad at kakatayo. Epal lang ang manager namin at hindi niya pa ako pagpahingain porket maraming tao. Bawal daw magkamali at mabagal dahil nandito ang may-ari.
"Here's your order, Sir." ngiti ko bago ko nilapag ang drinks na order nila.
"Dito ka muna." hila sa akin ng lalaki. Naglakbay ang kamay sa aking baywang. Gusto ko mang iripan ito at bigwasan, kailangan ko pa ring maging professional.
"Hindi po pwede Sir." ngumiti ako bago tinggal ang pagkakahawak niya sa akin at umatras kaunti.
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at umalis na agad ako. Bwuisit. Alam ko naman na maraming manyak sa ganitong trabaho. Halos isang buwan na ako ditong nagtatrabaho at marami na akong naengkwentro na bastos at manyak pero ewan ko ba at hindi na ako nasanay pa.
"Pwede na bang magbreak?" tanong ko kay Shiela nang makasalubong. May hawak hawak itong tray ng alak.
"Kulitin mo nalang si Sir. Katatapos ko lang." sabi niya bago nagpaalam.
Tumango ako bago nilapitan si Sir Pam upang magpaalam. Pumayag naman ito agad kaya lang pinag overtime naman ako. Sana pala tiniis ko nalang ang gutom ko hanggang natapos ang shift ko. May isang oras pa naman.
Gusto ko sanang tumanggi ngunit naisip ko din na sayang ang kikitahin.
Mabilis akong natapos magbreak at bumalik na sa aking ginagawa.
"Pwedeng ikaw muna magdala nito sa VIP room #1? Naiihi na talaga ako eh." sabi ni Melody.
"Okay lang."
Kinuha ko sa kanya ang hawak nito. Medyo nabawasan na ang tao. Marami pa rin naman pero manageable na kay nagkakaroon na din ako ng bakante.
Umakyat na ako sa taas dahil naroon ang VIP room. Marami akong nakakasalubong na pasuray suray kung lumakad sa sobrang kalasingan.Mas naging extra careful ako baka mabangga pa ako rito.
Papalapit na ako sa VIP room nang bumangga sa akin ang isang lasing. Nawalan ako ng balanse at nawalan nang control sa aking hawak. Nanlaki ang mata ko sa gulat at kaba nang matapon ang tray ng alak sa kasalubong kong lalaki.
"I'm sorry, Sir. Hindi ko po sinasadya." kabado kong sabi.
Halos basang basa ang button shirt nito. Nabasag ang ilang baso at nagkalat iyon sa sahig. Halata ang pagkairita sa kanyang mukha. Seryoso at galit niya akong tinignan.
"Pasensiya na po." kagat ko ang aking labi dahil sa sobrang kaba.
Lumapit na ang ilan sa aking kasamahan pati si Sir Pam.
"I'm so---"
"Cut it.." iritado nitong putol sa akin bago kinuha ang tissue na inabot ni Sir Pam.
Wala akong nagawa kundi yumuko nalang.
"I'm sorry, Mr. Del Prado. I'm sorry for the carelessness of our waitress. " mabilis na sabi ni Sir Pam.
"What happened here?" singit ng bagong dating na lalaki.
"I'm sorry, Sir Paul. Nakatapon po ng alak ang isang waitress natin."
Sir Paul? Nanlaki ang mata ko nang marealize kung sino siya. Patay, siya ba ang may-ari ng pinagtatrabahuan ko. Sisante na ba ako. Wala na ba akong trabaho kinabuksan.
"I'm sorry Sir Paul. Pasensya na po Mr. Del Prado. " muli kong hingi ng tawad.
Pinasadahan ako ng tingin ni Sir Paul habang ang katabi naman niya ay seryoso at iritado habang pinupunasan pa rin ang kanyang suot.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...