"Sure ka na ba sis?" muling tanong ni Clea.
Kwinento ko sa kanya iyong deal. Nagulat nga ito dahil wala naman ganoong inooffer. Kabado ako sa aking gagawin. May nararamdaman akong kakaiba. Iniisip ko nalang ang perang natanggap. Mabilis na nadeposit ang kalahati sa account ko at iyon din agad ang ginamit pangbayad sa loan namin.
" Nagamit ko na ang pera. Hindi na ako pwedeng magback-out."
Lalo na at mahal ang bayad kapag hindi ako tumupad sa usapan. Mas mababaon ako sa utang.
Hindi na muling nagsalita si Clea. Parehas kaming nasa salon ngayon upang magpaayos. Ngayong gabi mangyayari ang usapan. Nakatanggap ako ng message galing sa babae. May ball party kaming dadaluhan. Kaya naman tudo ang ayos ko.
Suot ang backless black fitted long dress, nagmukha akong socialite. Lantad ang mahahaba kong hita dahil sa mataas na slit ng aking suot. Ganoon din ang cleavage ko na halos lumuwa sa aking suot. Hindi naman talaga kalakihan ang akin kaya lang lakas ng push-up bra.
"Wow, Ang ganda mo talaga." puri ni Clea matapos kong lumabas sa dressing room.
" Ganoon talaga!"
Natawa ito. "Yabang."
"May pagmamayabang naman." tawa ko. Pinagmasdan ko ang sarili sa malaking salamin sa aking harapan.
Ilang beses ko nang natitigan ang mukha ko pero ngayon parang akong nakaharap sa babaeng hindi ko kilala. Parang akong nakatitig sa ibang tao.
" Bahala ka nga diyan." umiiling itong lumayo sa akin.
Nanatili ako roon ng ilang minuto bago siya sinundan. Ilan pang papuri ang natanggap ko sa staff roon. Napatingin ako sa aking phone ng magvibrate sa aking kandungan.
Unknown:
Your chauffeur is waiting outside the building. He'll take you to the venue..
Agad kong nalaman kung sino iyon. Muling nabuhay ang kaba at kaunting takot sa aking puso. Medyo relaxed ako kanina ngunit ngayon ay hindi na ako makagalaw sa kaba.
Matapos magpaalam kay Clea ay agad din akong lumabas. Lumubog na ang araw at ang tanging mga street lights ang nagbibigay liwanag sa labas. Agaw pansin ang lalaki na nakatayo at nakasuit kaya naman agad kong napagtanto na iyon ang tinutukoy ng babae. Lumapit ako.
"Good evening," bati niya sa akin bago binuksan ang pintuan.
Kabado akong pumasok. Halos rinig ko ang tibok ng aking puso. Hindi dapat ako kabahan. Puro pa man din ako palpak kapag kinakabahan ako.
Tumunog ang phone ko. Muli na naman ng text iyong babae.
Tahimik ang buong biyahe.Pilit kong kinakalma ang sarili. Iniisip ko nalang ang aking pamilya. Isang gabi lang naman.
Mabilis kaming nakarating sa venue. Pinagbuksan ako ng chauffeur at may naghihintay na sa akin roon na staff.
"Good evening ma'am, this way please." paggiya ng lalaki.
Sinundan ko lang siya hanggang makarating kami sa ball. Manghang mangha ako. Ito ang unang beses kong makapasok sa mamahaling hotel at ganitong event. Napapako ang mga mata sa mamahaling palamuti.
Halos lahat ay nagsusumigaw ng pera. Ang mga desinyo, palamuti, at guest. Halatang halata na mayayaman.
"You're here."
Natigil ang pagmamasid ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang baba. Hindi ito nagkomento kasi mukhang presentable naman ako. Nagbleblend in naman ako sa mga tao dito dahil sa suot ko.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...