Hindi ko talaga alam kung saan ko nakukuha ang aking lakas upang sabayan si Kaleb. Pagod at bagsak ang aking katawan pagkatapos ng ilang round ngunit isang haplos at halik lang ni Kaleb ay buhay na naman. Ayan tuloy halos hindi ko na maramdaman ang buong legs ko. Ni hindi ko namalayan kung anong oras kami nakatulog. Basta ang alam ko inumaga na kami.
Tinulak ko ang mabigat na kamay ni Kaleb na nakadagan sa aking dibdib ngunit umungol ito bilang pagprotesta at ibinalik ang braso sa dating ayos. Napairap ako nang mas lalo itong sumiksik sa akin.
"Kaleb... paki tanggal ang kamay." mariin kong utos.
Parang wala itong narinig. Nakakainis. Ang sakit ng hita ko at ang aking gitna tapos dadagdag pa itong isang ito. Kung ano ano kasing posisyon niya ako ipinosisyon.... Bigla tuloy nag-init ang aking pisngi nang maalala iyon.
Pinilit ko talagang inangat ang kanyang braso upang makawala. Hinayaan niya nalang ako kahit alam kong gising siya. Sobrang napagod lang kaya ayaw bumangon. Todo buhat kasi sa akin kagabi.
"Putangina." mura ko pagkatayo ko ng kama. Muli akong bumalik sa pagkakaupo dahil sa naramdamang hapdi sa aking gitna at pananakit ng aking legs.
Nang tuluyan na akong makaalis sa kama ay ang damit ang una kong pinagkaabalahan na nagkalat sa sahig. Pinulot ko iyon.
"Pag nagpatuloy pa ito baka tuluyan na akong mawalan ng damit." inis kong sabi habang hawak ang damit kong napunit.
Hindi na ako nag abalang isuot pa iyon. Kumuha nalang ako ng extra bathrobe at ipinulupot sa aking sarili.
Muli kong sinulyapan si Kaleb na nakapikit. Nakadapa itong nakahiga at nakadagan ang isang kamay nito sa unan. Kita ko mula sa aking kinatatayuan ang malapad niyang balikat. Agad akong nag-iwas ng tingin roon. Nylah, mata mo talaga.
Nagdalawang isip pa ako kung magpapaalam ako pero naalis din iyon sa aking isip dahil kailangan ko pa pala siyang gisingin.
May kasalanan pa ako sa kanya kahapon.. Wait nga lang. Wala akong kasalanan. Siya lang naman ang nagconclude at nag-isip ng masama sa pagkikita namin ni Zach.
Ni hindi niya nga ako pinagexplain dahil naguunahan na kami sa pagpunit ng aming damit.Mabilis na akong naglakad papunta sa pintuan. Ngayong araw ang alis namin. Kailangan ko pang mag-ayos ng gamit.
Nanlaki ang mata ko pagkabukas ko ng pintuan. Tumambad sa akin si Calla. Kita ako ang paglaki ng kanyang mata sa gulat at pagkunot ng kanyang noo sa galit.
Shit. Agad akong kinabahan. Naguunahan ang tibok ng aking puso. Naestatwa ako sa kanyang harapan at hindi alam kong anong gagawin at anong dapat sabihin. Para akong kabit na nahuli sa akto... Mas lalong nagpanic ang aking sistema ng nag uunahan ang luha na bumuhos sa kanyang mata. Nanlilisik ang knayang nata sa galit habang ako ay nanliliit ang tingin sa aking sarili.
"Walang hiya ka. Malandi." galit niyang sigaw.
Walang lumabas sa aking bibig. Ni hindi ako makapagsalita upang ipagtanggol ang aking sarili dahil alam kong ako ang mali. Ako ang nakasira ng kanilang relasyon.
Naramdaman ko ang pagdapo ng kanyang kamay sa akin. Ang paglapat nito sa aking balat at buhok na nagdulot ng sakit. Pero hinayaan ko lang.
Nakatayo at nakayuko ako roon habang tinanggap ang bawat pagdapo ng kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko pati ang masasakit niyang salita.
Sobrang nanliliit ako sa aking sarili. Ni pakiramdam ko wala akong karapatang ipagtanggol ang sarili dahil deserve ko naman ito.
"Malandi ka. Fuck you."
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...