Chapter 54

17.6K 295 26
                                    

Ihinihatid ako pabalik ni Kaleb matapos akong payagan ng doctor na makauwi. Iyon ang huli naming pagkikita. Sa sumunod na araw ay halos hindi ko na siya nakita pa. Alam kong madalas ang pagbisita niya sa bahay ngunit lagi akong nakakulong sa aking kwarto tuwing naroon siya.

He attempted to talk to me but after ignoring him for a couple of times, he stopped. We only communicate through text messages. Naging madalas ang kanyang mga mensahe ngunit ang tanging nirereplyan ko lang ay kung patungkol sa baby. Hindi ko siya tatanggalan ng karapatang maging ama.

Sumisikip ang puso ko tuwing nakikita siya. Hindi ko mapigilang magalit at maluha. Kahit ilang beses na niyang tinangkang magexplain ay hindi ko siya tuluyang mapakinggan. My mind and heart would refuse to believe it.

Tahimik akong nagbabasa sa aking kwarto nang makarinig ng mahinang katok. Bahagyang lumakas ang kabog ng aking dibdib.

Alam kong darating na naman si Kaleb. He texted me before he comes over. Hindi ako bumaba tuwing nariyan siya. Baba lang ako kapag nakapagtext muli siyang aalis na siya.

Hindi siya nagtangka na katukin ako. Ngunit bahagya akong kinabahan dahil sa narinig na katok.

Nang maisip na malabong si Kaleb iyon ay naglakad na ako papalapit sa pintuan upang mabuksan.

I froze when I saw Kaleb standing in front of my door. Tahimik at mariin siyang nakatitig sa akin. Bumaba ang tingin niya sa aking mukha papunta sa aking tiyan. Nanatili iyon doon. My baby bump is showing dahil sa suot kong medyo fit na shirt.

"Anong ginagawa mo rito?" galit kong sabi.

Agad bumalik ang tingin niya sa akin. Bahagyang natunaw ang aking galit ng makita ang malungkot at halos pagod niyang itsura.

Ako na mismo ang nag-iwas ng tingin. I was about to close the door when he stop it using his hand.

" Can I talk to you for a second?" marahan niyang sabi. Para bang ingat na ingat upang hindi ako magalit.

Kunot noo akong tumingin sa kanya.

Hindi na ako nagsalita pa. He took my silence as yes.

"I'm leaving." marahan niyang sabi.

" Umalis ka na." walang awa kong sabi.

Malalim itong huminga bago yumuko.

" I'm leaving for Manila." he said.

Bahagya akong natigilan. Ito ang gusto ko. Matagal ko na siyang pinapaalis at pinapabalik ng Manila. Ngunit bakit medyo may kurot sa aking dibdib. Hindi ko iyon pinansin.

"I don't really want to leave. Ngunit kailangan ako sa Manila dahil may malaking problema ang aming pamilya." he explained. Sa tuno ng kanyang boses ay umaasa itong magkaroon ako ng pake. I was curious but I didn't asked .

"Okay. Umalis ka na."

"I want us to talk before I leave. I want us to fix us. Can we do that?"

Kumunot ang noo ko. Namuo ang galit sa aking dibdib. Bumalik ang alaala sa mga nagdaang araw. Mapait akong lumunok nang maisip na baka nga ay babalik na ito sa dating buhay.

I feel like there's a hole in my heart. Nasasaktan ako ngunit may parte sa aking utak na iyon ang nararapat. I don't want him anyway kaya bakit ko pa siya pananatiliin sa buhay ko. He should moved on and marry whoever she likes. I should not care.

"Ano pa bang aayusin? Klaro na sa akin ang lahat. We're done."

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mata. Parang may pumipigil sa akin.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon