Lae
"We have a tie for rank one for our first grading period!" Anunsyo ni Ma'am Wilma sa klase namin.
Nangunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabi niya. She's currently announcing the top 10 achievers for the first grading period. I expected that I will be the top one dahil bakit hindi? I topped all the periodical exams, almost perfected every quiz in all our subjects and aced every graded recitation.
I am in my 3rd year in high school now. Since I started studying, ako ang laging top one. I even graduated valedictorian when I was in elementary. At hanggang ngayon, hindi pa ako nakakatikim ng pagbaba ng rangko, o kaya ay may makatapat man lamang!
"Our new top one for 1st grading is none other than Lae Margarette Asuncion and Christian Anthony Ponferrada!"
Naghiyawan ang ibang mga kaklase ko sa narinig na balita. Ang iba ay pumalakpak pa. Ang mga katabi ko naman ay nagsimula na akong asarin.
"Oh, Lae? May ka-tie ka na ngayon! Record breaking ito!" Sabi ni Aby habang tumatawa.
Sunud-sunod na ang asarang natanggap ko sa grupo nila Joshua at Marco. Maging sila Monica ay tinutukso na rin ako.
"Hindi ko akalaing matatapatan ka ni Christian, Lae. Ang galing!" Marco said followed by their laughs.
Palabas kami ngayon ng classroom para pumunta sa canteen at mag-recess. Nanguna akong maglakad sa kanila dahil hindi ko gusto ang panunukso nila sa akin.
Tiningnan ko ng matalim si Marco pero imbes na matinag siya ay lalo lamang siyang natawa. Tila nasisiyahan sa mga reaksyon ko sa kanilang panunukso.
Well, ako man ay hindi ko matanggap ang naging resulta ngayong grading period. Pero ano pa nga ba? Wala na rin naman akong magagawa para mabago iyon. Tatanggapin ko na lang at magmu-move on. Mas gagalingan ko na lang sa susunod na markahan.
Pero ewan ko, nasasaling ang ego ko.
"Deserve naman ni Christian 'yon. Perfect scores siya sa Geometry at Trigonometry exam. Mataas din naman ang grades niya sa ibang subjects natin tulad ni Lae. So hindi nakakapagtaka 'yon."
Monica said.
Hindi pa rin ako kumikibo at tahimik lamang na nakikinig sa kanila. Tama nga sila, though I perfected our Chemistry and English subjects, and almost perfect scores for the rest of our subjects, hind inga kataka-takang mataas nga ang makuha niyang marka ngayon.
O naging relax lang ako dahil lagi kong ine-expect na ako na ang magiging top one? Masyado akong naging kumportable sa kakayahan ko kaya ganoon lang ang nakuha kong marka ngayon?
"Okay lang, babawi na lang ako sa susunod." Sabi ko habang sinisimulan ng balatan ang supot ng cheese cake ko.
"Talaga? Okay lang 'yon sayo?" sabi naman ni Paul Luis.
Lumabi ako sa kanya bago ko isinubo ang pagkain. Sumimsim din ako ng juice na binili ko. Natawa na naman sila. I can't find humor with what happened earlier kaya hindi ko maintindihan kung bakit sila natatawa sa nangyari.
Or was it because they find it funny that someone equaled me? The most competitive Lae Margarette Asuncion?
Of course, it was not okay for me. Pakiramdam ko, para akong inagawan. Like someone took what's mine at kung hahayaan ko lamang iyon na mangyari, maaaring hindi na iyon maibalik sa akin.
I don't belittle Christian. He's intelligent, too, but somewhat mysterious. Hindi masyadong palaimik at bilang lang ang mga kaibigang sinasamahan niya. His friends also belong to top 10. At dahil madalas tahimik, kung may mga group activity at choose your own groupmates ang instruction, sila-sila rin ang magkasama.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...