CHAPTER 23

91 2 0
                                    

Lae

Christian:

Lae, nasaan ka?

Agad kong binasa ang text niya habang kumakain kami sa mesa. Kasalukuyan na kaming nagno-Noche Buena. Alam kong tapos na ang misa dahil marami nang sasakyan at mga taong naglalakad sa kalsada.

Patago akong nagtipa ng reply.

Ako:

Nasa dining, Chris. Kumakain kami.

"Lae...puro ka text. Kumain ka muna." Saway sa akin ni Papa.

"Opo..." mahinang sagot ko bago ko itinago ang cellphone sa bulsa ko.

Kaso wala pang isang minuto, naramdaman ko ulit ang pag-vibrate ng cellphone ko. Sinulyapan ko si Papa. Kasalukuyan na siyang kumakain ng panghimagas. Habang ako, hindi pa nangangalahati sa ulam na kinuha ko.

Kakareply ko kasi kay Christian, eh!

Nang tumayo si Papa para kumuha ng tubig sa dispenser, mabilis pa sa alas kwatro ang naging kilos ko. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang cellphone ko para basahin ang text na natanggap. Dahil sa pagmamadali, hindi ako agad nakapag-isip ng ire-reply ng mabasa ko ang text niya.

Christian:

Sige, kakatok na lang ako para makapagmano rin ako sa Papa mo.

Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa iyon. Mabilis kong sinulyapan si Papa. Kasalukuyan sniyang iniinom ang tubig na sinalok niya sa dispenser. Saktong pagkaubos ng tubig na iniinom niya ay narinig ko ang boses ni Christian sa may gate!

"Tao po..." sabay ng pagtunog ng gate namin na yari sa bakal.

Marahas akong napalingon sa direksyon kung saan galing ang boses niya. I gulped nervously. Hindi ako nakakilos agad dahil sa matinding kaba na nararamdaman. Ang lakas ng tibok ng puso ko, na para akong nabibingi dahil iyon na lang ang naririnig ko.

Hindi pa ako kailanman kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko!

Muli siyang tumawag, pero sa pagkakataon na iyon, sinambit niya na ang pangalan ko.

"Tao po! Lae!" Ulit niya.

"Sino 'yon?" Takang tanong ni Papa.

Mabilis din akong lumingon kay Papa. Mabilis akong tumayo kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko.

"T-T-Titignan ko p-po!" Nauutal na sagot ko sa kanya.

Tumaas ang kilay niya, tila natatawa sa paraan ng pagsagot ko.

"Sige 'nak at baka mga kaibigan mo 'yan." Pagpayag niya.

Halos takbuhin ko ang pintuan palabas para marating ko kaagad ang gate. Pagbukas ko sa screen door, agad kong nakita si Christian. Nakaputing polo shirt at maong na pantalon. Tinernuhan niya iyon ng itim na chuck norris sneakers, his typical attire.

May kasama siyang babae. Mas matangkad sa kanya iyon. Matangkad na si Christian pero mas matangkad sa kanya ang babae. Ito na siguro yung tinutukoy niyang ate niya.

"Lae!" Tawag niya sa akin habang maluwang na nakangiti. Nagawa pa niyang kumaway gamit ang kanang kamay niya habang sa kaliwa ay mag bitbit siyang maliit na paper bag na gawa sa gift wrap.

Gumanti ako ng ngiti sa kanya. Parang nalusaw ang kabang nararamdaman ko kanina sa loob at napalitan ng kakaibang pakiramdam.

Napalitan iyon ng sobrang tuwa! Ng sobrang kagalakan!

Patakbo kong tinungo ang gate para pagbuksan sila roon. Sinulyapan ko rin ang ate niyang maluwang din ang ngiti sa akin.

"Magandang gabi, Lae..." magalang na bati sa akin ng babae.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon