Christian
"Good morning everyone! My name is Lae Margarette P. Asuncion!" Nakangiting sabi niya habang nagpapakilala siya sa harap ng buong klase.
Ah, siya 'yong babaeng nag-volunteer kanina na mag-beat sa stage para sa flag ceremony sa unang araw ng klase. Hindi natanggal ang tingin ko sa kanya. Kinakanta ko ang Lupang Hinirang, nanunumpa sa watawat ng Pilipinas at kinakanta ang hymn ng eskwela pero sa magandang mukha niya lang ako nakatingin.
It hit me in an instant. Crush ko na siya agad.
She is bubbly, sociable, and easy to get along with. She has a lot of friends. Kahit sa mga higher years, gustung-gusto siya dahil sa pagiging friendly niya. It's easy for her to captivate someone's attention. With her undeniable charm and enthusiastic aura, hindi pwedeng hindi mo siya mapapansin.
Plus the fact that she's brilliant, both in academics and other extra-curricular activities, kahit siguro sa ibang school ay kilala siya.
One thing I noticed about her, she always wanted to be on the top.
Kaya kahit tinatamad akong mag-aral, nagpupursigi ako. Hindi ako 'yong tipo ng estudyanteng subsob sa pag-aaral. Basta't naintindihan ko ang mga lessons ay okay na sa akin.
Kaso kung siya ba naman ang magugustuhan mo, hindi ba't nakakahiya kung mas maalam siya kaysa sa'yo?
I could overtake her grades if I wanted to. I don't brag but I know I could. I can. Pero siyempre, hindi ko masyadong gagalingan dahil ayaw 'yon ng crush ko. Napaka-competitive pa naman no'n.
"Bakit ganito ang mga grades mo, Ton? Ito na ba ang best mo?" Tanong sa akin ni Ate Lyn habang hawak niya ang report card ko.
Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinggan habang chine-check niya iyon. Nilingon ko siya, nakataas ang isang kilay niya habang patuloy niyang tinitingnan ang grades ko.
"Okay naman, ah? Mataas naman!" Depensa ko.
"Oo nga't mataas pero alam kong hindi lang ito ang kaya mong abutin," aniya.
Nagkibit ako ng balikat. "Ayos na 'yan, Ate. Hindi na nga maganda ang timpla sa akin ng crush ko kasi nag-tie kami sa ranking ngayon."
Sarkastiko siyang ngumisi. "Pinagbibigyan mo, gano'n?"
Ngumisi ako at nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan. Marami pa siyang sinabi sa akin pero tinatawanan ko lang siya. Kaya sa huling hirit niya, lumapit siya sa akin at piningot ang tenga ko.
"Naku, Tonton! Baka makabuntis ka ng maaga! Hindi ka makapagtapos ng pag-aaral!"
Alam kong biro niya lang 'yon pero may kahulugan sa akin. Hindi na ganoon kakumportable ang buhay namin simula ng mamatay sila Mama at Papa. Naiwan sa amin ang responsibilidad sa farm, ang pag-aaral ko'y pilit na tinatawid ni Ate. Tumutulong din ako sa mga alagang hayop namin dahil nagta-trabaho rin siya bilang lady guard sa isang mall sa siyudad.
Kaya ipinangako ko sa sarili kong iaahon namin ang buhay namin sa kahirapan.
Hindi ko inaasahang makukuha ko ang atensyon ni Lae nang mag-tie kami sa top one. Ramdam ko ang inis niya sa nangyari pero pilit niyang ipinapakita na ayos lang iyon sa kanya. And I admit, hindi ko man iyon sinasadya at mukhang negatibong atensyon ang ipinaparamdam niya sa akin, natuwa pa rin ako dahil napadalas ang pag-uusap naming dalawa.
I glanced at her once in a while everytime I have a chance. Madalas ko siyang pagmasdan sa malayo. Sa tuwing ngingiti siya, o tumatawa sa mga simpleng biro ng mga kaibigan niya.
I liked her chinky eyes and her red lips the most. Sa tuwing ngingiti siya, nawawala ang puting bahagi ng kanyang mga mata. It's like her eyes smiles too whenever she's smiling. At ang mapupulang labi niya, na walang ibang sinasabi kundi puro kabutihan, kahit na naiinis siya sa ideyang may pumantay sa kanya sa larangan ng akademiko.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...