CHAPTER 8

129 5 0
                                    

Lae


Dahil sa sinabi ni Papa sa akin, I tried my best to return my old self. Iyong hindi nag-ooverthink, hindi naglalagay ng kulay sa bawat ginagawa. Pinilit kong tanggalin sa sistema ko ang naiisip tungkol kay Christian. I focus more on my studies and spend more time with my friends.

Kahit nagte-text siya sa akin, sinasagot ko lang iyon ng maayos. Sabi ko nga sa sarili ko, I have to stay casual towards him.

Naitawid namin ang report namin noong Lunes. Nakakapagod pero worth it ang lahat ng ginawa namin dahil mataas ang naging marka namin sa reporting. Kahit si Joshua na hindi nakasama sa amin noong nakaraan, nakapag-report ng maayos dahil ibinigay ko sa kanya ang topic niya noong gabing din iyon.

There was a time that I was the only one in our classroom. Hindi na ako umuwi sa bahay para mananghalian. Nakatukod ang braso at ulo ko sa arm chair habang nakapikit at pilit na kinukuha ko ang aking tulog ng biglang bumukas ang pintuan.

Hindi na ako nagtapon ng oras para lingunin kung sino ang pumasok dahil alam ko namang kaklase ko naman iyon. Narinig ko ang yabag niya papunta sa likurang bahagi ng classroom. Nakapikit pa rin ako at nakakaramdam na ng pagkaantok.

Narinig kong nagsalita ang lalaking pumasok sa classroom pero hindi ko siya nabosesan. Mas nanaig ang antok ko kesa sagutin ko pa siya. Inignora ko ulit siya ng muli siyang magsalita dahil nakukuha ko na talaga ang lalim ng tulog ko.

Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakatulog pero nagising ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Pupungas-pungas pa ako nang lingunin ko siya. I saw him in my blurry vision. Nang makapag-adjust ang mata ko ay nakilala ko ang lalaking tumabi sa akin.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin.

Pumikit ako at tinakpan ang aking mukha gamit ang akong panyo para humikab.

Tumango ako. "Oo."

Kaso para akong napaso nang damahin niya ang leeg ko gamit ang likod ng kanyang palad. Pati ang noo ko ay dinama niya rin.

Bahagya akong natawa. "Wala akong lagnat." Tanging nasabi ko.

Sinubukan kong bumalik sa dati kong posisyon para makatulog ulit. Wala pa namang time. Isa pa, wala pa kaming mga classmate kaya makakaidlip pa ako.

"Sigurado ka?" Tanong niya ulit sa akin.

Tumango lang ako ulit pero hindi ko na siya nilingon pa para tumigil na siya sa pagtatanong. Gusto ko pang umidlip. Parang nagsisisi tuloy akong hindi umuwi sa bahay ngayong lunchbreak.

"Are you avoiding me?" He asked again.

Tss. Bakit ba ang kulit nito?

Hindi ko siya sinagot. Nakapikit pa rin ako. Mainam na 'yon para isipin niyang nakatulog na ako.

"Why are you cold when I'm texting you?" Dagdag niya.

Hindi ulit ako kumibo. Bahala ka diyan.

"Lae...alam kong gising ka pa. Sagutin mo ang mga tanong ko.

I snapped. Tuluyan ko na siyang hinarap at iritadong tiningnan siya ng tuwid.

"What's wrong with you? I am trying to get some sleep!"

Pumikit siya ng mariin. Nang dumilat siya ay matalim niya akong tiningnan.

"Answer my questions!"

I scoffed. "Ano bang gusto mong marinig para tumigil ka na?"

Nakita ko ang gulat na bumalatay sa kanyang mukha. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagsagot ko sa kanya.

"Tss." At saka ako umiling.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon