CHAPTER 2

172 5 0
                                    

Lae


"Pass your reaction papers, now!" bungad ni Sir Dave sa amin pagpasok pa lang niya sa classroom.

Agad kong kinuha ang notebook sa bag ko kung saan ibinalik ni Joshua ang reaction paper ko. Ibinalik niya iyon sa akin bago kami bumalik dito. Nang lumabas kami ay nakita ko pang nagmamadali si Christian bumalik sa library dahil may isasauli yatang libro.

Hindi ko alam kung bakit simula nang engkwentro namin sa canteen at sa labas ng campus ay hindi na ako natahimik. Madalas ko nang mapansin at obserbahan ang mga ikinikilos niya. Kahit ang mga simpleng pang-iisnab niya ay nabibigyan ko agad ng kahulugan.

Hindi ko alam kung badtrip ba siya sa akin o hindi niya lang ako gusting kausapin.

Bumundol ang puso ko sa matinding kaba dahil hindi ko mahanap ang ginawa ang reaction paper ko! Halos isa-isahin ko na ang mga pahina ng notebook kung saan ko inipit ang papel pero talagang wala roon.

Dala ang notebook ay agad akong tumayo para puntahan si Joshua na nakaupo sa third row ng upuan. Tutal ay abala ang ibang mga classmates ko dahil sa pangongolekta ng papel kaya hindi agad mapapansin ang ibang dahilan ko sa pagtayo.

"Josh! Nasaan 'yong papel ko?" Mahina pero mariin ang tanong ko sa kanya.

Nangunot ang kanyang noo dahil sa tanong ko. "Inipit ko diyan sa notebook, ah?" aniya.

"Wala! Inisa-isa ko na pero walang nakaipit!"

Bakas na sa kanyang mukha ang kaba dahil nagpa-panic na rin ako. Kahit minor subject lang iyon ay hindi pwedeng hindi ako makapag-submit ng reaction paper. It's equivalent to 25 points sa homework! Malaking kabawasan iyon para sa grado ko. Isa pa, sa sobrang istrikto ni Sir Dave, siguradong makakatikim ako ng galit mula sa kanya katulad sa ibang kaklase kong hindi gumagawa ng mga assignment nila.

"Pero Lae, sigurado akong inipit ko, diyan!" sagot ni Joshua sa akin.

Naiiyak na ako dahil sa magkahalong kaba at takot. Mukhang hindi na talaga ako makakapagpasa ng reaction paper.

Narinig ko ang pagbati ni Christian sa teacher namin. Nag-usap sila pero wala roon ang interes kong makinig sa kanila ngayon. I have to find my paper! Kung hindi ay zero ang marka ko ngayon.

Nagkasalubong kami ni Christian. Siya, na pabalik sa upuan niya habang ako ay papunta sa harapan para magpaalam kay Sir Dave dahil babalik ako sa library. Nakita kong tumigil siya sa paglalakad pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Kailangan kong mahanap ang papel ko hanggang sa matapos ang pangongolekta niya.

"S-Sir Dave, may I go out?" paalam ko sa kanya.

"Why?" tanong niya.

"A-ahm... CR lang po ako." Pagdadahilan ko.

Tumango siya bago binuksan ang librong dala niya. "Make it fast. Magsisimula na akong mag-discuss pagkatapos kong kolektahin ang pinagawa ko sa inyo."

"Y-yes, Sir." Sagot ko.

Patakbo akong lumabas sa classroom. Nasa pinakadulong pasilyo iyon sa 2nd floor habang ang library naman ay nasa ground floor sa kabilang dulo. Wala nang mga estudyante sa corridor dahil nag-umpisa na rin sila sa kanya-kanya nilang klase. May kahabaan ang building kaya kailangan kong magmadali. Kung hindi, baka hindi na tanggapin ni Sir Dave ang homework ko.

I don't know I could run this fast. Maybe because of the adrenalin that is rushing through my veins. Isabay pa na sobrang kaba ang nararamdaman ko dahil sa mga nangyari at pwedeng mangyari mamaya. Baka zero na nga ang score ko, mapapahiya pa ako buong klase!

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon