CHAPTER 50

123 4 1
                                    

Lae

"Si John Dale Crisanto 'yon, ah? Bakit mo siya kasama?" Sunud-sunod na tanong ni Christian sa akin.

Paakyat ako ngayon sa kwarto ko. Hindi ko siya pinapakinggan. Ilang beses niya akong tinawag pero hindi ko siya nilingon.

Bakit ba siya nandito? Wala naman kaming usapan na magkikita kami! Ang sabi ko'y busy ako ngayong araw kaya paano niya natunugan na uuwi na ako?

"Lae!" Mariin niya akong hinawakan sa braso para makuha niya ang atensyon ko. "Kinakausap kita!"

Nasa bungad na kami ng hagdanan sa second floor. May ibang nangangasera na naroon kaya rinig ang mariin at malalim na boses ni Chris. Hindi ako nagsasita dahil ayokong bigyan sila ng ideya kung bakit kami nag-aaway ngayon. Kaya nang pigilan niya ako, wala akong ibang ginawa kundi ang bawiin ang braso ko at tinitigan lang siya ng masama.

I continued walking until I reached my room. Hindi na siya umiimik. Marahil ay nakatunog siya na ayokong pag-usapan iyon habang nariyan ang mga kapwa ko nangangasera. Nang makapasok ako, hinayaan kong ang pintuan dahil alam kong papasok din siya sa loob.

I heard the door being locked. Ngayon, malaya na kaming mag-usap na dalawa dahil konkreto ang pader ng kwarto ko.

"At suot mo pa talaga ang t-shirt niya? Magaling, Lae!" Sarkastikong sabi niya.

I scoffed and faced him. Tinanggal ko ang bag sa katawan ko at humalukipkip sa harapan niya.

"Bakit ka ba nandito? Wala tayong usapan ngayon ah?" Pag-iiba ko dahil naiirita ako sa presensya niya.

He advanced viciously. He looked really mad, like an angry beast that's ready to rip his enemy. Hindi ko pa siya nakitang nagalit ng ganito. Nangangalit ang panga at madilim ang tingin.

He held my hand in the most ungentle way he could. I winced from pain as he pressed it a little tighter.

Galit siya. Galit na galit siya ngayon.

"Bakit mo kasama ang lalaking 'yon?! At bakit mo suot ang damit niya?" Gigil niyang tanong sa akin.

Nagpumiglas ako pero lalo niya lamang hinigpitan ang hawak niya sa akin. Lumukot ang mukha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Pinahiraman niya ako ng damit dahil may aksidente kanina." I tried to remove his hand again but he didn't let me go. "Bitiwan mo ako, Chris! Nasasaktan ako!" Sigaw ko.

Doon lang siya natauhan. Sandali niya akong pinagmasdan at nang makitang ngumingiwi na ako sa sakit dahil sa paraan ng paghawak niya, dahan-dahan niya akong pinakawalan.

Hinaplos niya ang braso kong namumula na dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Kahit hindi ako maputi, halata pa rin ang pamumula no'n. He massaged it a bit, like it would help me ease the pain.

"I-I'm s-sorry, love." Nauutal niyang sabi. Lumabi lang ako at matalim siyang tiningnan. He looked very apologetic. Tila nagsisisi sa ginawang paghawak sa akin ng ganoon kahigpit.

Binawi ko ang kamay ko sa kanya. I headed to my closet. Kumuha ako ng pambahay na short at tshirt. Doon na rin ako nagpalit kahit nakikita niya ako. He already saw my nakedness, hindi na ako nahihiyang magpalit sa harap niya.

Humarap ako sa kanya para ipakita ang pagtanggal ko ng mga suot ko. I swiftly removed Dale's t-shirt. Hinayaan ko iyong bumagsak sa sahig. Isinunod ko ang pantalon at sapatos ko. Nag-iwas siya ng tingin nang makitang wala na akong ibang suot kundi ang mga underwear ko na lamang.

Mabilis kong isinuot ang pambahay ko. Isa-isa kong pinulot ang mga nahubad na damit at pasalampak na inilagay sa laundry basket. Ang sapatos naman ay inilagay ko sa shoe rack. Hinarap ko ulit siya habang nakataas ang isang kilay ko. Hindi ko kayang hindi magsalita ngayon.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon