CHAPTER 21

98 5 1
                                    

Lae

Halos hindi ko masundan ang paghinga ko dahil sa kabang nararamdaman. Pupuntahan niya ako rito! Alam kong hindi na rin magandang ideya iyon dahil pagabi na't tanging bike lang ang gamit niya papunta rito sa amin. May kalayuan pa naman ang sa kanila. Kung pupunta pa siya rito, at mag-uusap pa kami mamaya, siguradong madilim na kapag uuwi na siya!

Habag iniisip ko 'yon, hindi ko maiwasan ang mag-alala para sa kanya. Babagtasin niya ang national highway. Marami siyang makakasalubong at makakasabay na malalaking sasakyan. Baka mamaya, hindi siya makita ng mga ito at...baka...mahagip siya.

Parang gusto ko na siyang pigilan sa gusto niyang gawin! May pagkakataon pa naman siguro. Pwede namang ipagpabukas.

Kung bakit kasi nasabi ko pang nami-miss ko siya. Ayan tuloy.

Sinubukan kong tawagan ulit siya para pigilan ang binabalak niya kahit alam kong nasa daan na iyon at papunta na siya rito. Naka-dalawang dial na ako pero hindi niya iyon nasagot.

On the way na nga talaga siya.

Nag-ayos ako ng aking sarili. Tiningnan ko pa ang kabuuan ko kung maayos ba ang itsura ko. Naglagay ako ng kaunting pulbos at nagwisik din ng baby cologne sa katawan. Bigla akong na-conscious sa sarili ko. Magkikita kami ngayon eh. Dapat presentable akong tingnan.

Okay na siguro itong simpleng tshirt na puti at maong shorts na hanggang tuhod. Sandali kong ulit sinulyapan ang itsura ko sa salamin at nang ma-satisfy ako sa nakikita ko, nag-ready na ako palabas ng kwarto.

I was already at the door jamb when I heard my phone rang. Bumilis ang pagtahip ng puso ko ng mabasa ko sa screen ang pangalan ng tumatawag.

I cleared my throat before answering the phone pero hindi iyon naging sapat. Pakiramdam ko, mauutal pa rin ako sa kaba. Pero dahil alam kong nakarating na siya, kailangan ko na ring magmadali para magkita kami kahit sandali lang.

"Hello..." Ani ko habang pinipilit na pakalmahin ang aking sarili.

"Nandito na ako." Aniya.

"Uh..." nagmadali akong lumabas sa bahay. Kahit sa pagbaba, nagmamadali na rin ako. "Nasaan ka? Lalabas ako—-"

"Huwag na. Gabi na. Nandito lang ako sa kabilang kalsada. Sa harap ng bahay niyo."

Natigil ako sa pagbaba. I was already in the middle of the staircase. Paano 'yon? Akala ko ba magkikita kami? Paano niya ako makikita kung hindi ako lalabas?

"Lae?" Agaw niya sa atensyon ko dahil hindi ako agad nakasagot.

"Paano tayo...magkikita?" Tanong ko sa mababang boses.

He chuckled a bit. Napapikit ako dahil sa mabilis na mga ideyang pumapasok sa isip ko. I miss him and knowing that he's just there outside our house and he's not letting me go to see him there makes me frustrated.

"Labas ka na lang sa balkonahe niyo. Makikita rin naman natin ang isa't-isa."

I pouted. Yumuko ako saglit para tingnan ang aking sarili. Naghanda pa naman ako sa pagkikita namin. Nag-ayos pa ako't nagpulbo! Hindi ko naman pala siya malalapitan.

"Oh sige." I sounded so defeated. Pumanhik ulit ako sa itaas para pumunta sa balkonahe. When I opened the woodened door, lumapit ako sa railings. Naglikot ang mga paningin ko para hanapin siya.

Hindi ko ibinaba ang tawag sa cellphone ko. Hindi rin naman niya pinutol. My gazes locked on the first guy I saw. Naka puting tshirt, maong na pantalon at leather slippers. Nakasakay nga lang talaga siya sa kanyang bike habang nakatukod ang dalawa siko sa manubela nito. Ang isang braso ay nakahawak sa kanyang cellphone at nakamuwestra sa tenga niya.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon