CHAPTER 7

112 3 1
                                    

Lae


"Ano, Lae? Aangkas ka ba talaga?" Paul Luis asked demandingly.

Pinasadahan ko silang lahat ng tingin. Nakaramdam ako ng pressure sa pagsagot. Parang gusto ko na lang tuloy lumubog sa kinatatayuan ko.

"Sinabi ko sa Papa mong ihahatid kita pauwi, Lae." Ani Christian.

I looked at him. Kita ko ang kaseryosohan at determinasyo niyang ihatid ako sa bahay. When I looked at Monica, bahagyang nakataas ang isang kilay niya habang nakahalukipkip siya.

Nalilito akong sumagot. "P-pwede naman—-"

"Hayaan niyo kasi kung ano'ng gusto niya. Kesa naman pinipilit niyo siya, 'no!" Sabi ni Monica.

Her voice sounds irritated. Marahil ay sa tagal kong sumagot. O baka...naiinis siya dahil pinipilit ni Christian na ihatid ko?

My lips pursed because of that thought. Parang gusto ko na lang pumayag sa gustong mangyari ni Paul Luis.

Sunud-sunod na pitada ng motor ang umagaw ng pansin naming lahat. Nakita ko si Papa habang naka-angkas sa kanyang motor. Nakasuot siya ng black na sleeveless shirt, puting short pants, at itim na leather slipper. Nakahantad ang malaking tattoo ng itim na musang sa kaliwang braso malapit sa balikat niya habang nakasuot ng paborito niyang polarised sports eyewear at itim na helmet.

Para akong nabunutan ng tinik ng makita ko siya. Hindi ko na kailangang magdesisyon dahil sasama na lang ako sa tatay ko.

"Sino 'yan?" Bulong ni Monica.

Paul smirked. "Papa ni Lae." Lumapit si Paul sa gate para buksan iyon. "Uncle Henry!" Bati niya.

Inalis ni Papa ang helmet niya at saka ngumiti sa paparating na si Paul. Paul took his hand and place it in his forehead.

"God bless you. Tatay mo?" Tanong niya.

Inilagay ni Paul ang isang kamay niya sa kanyang ulo. "Umalis po eh. Pinaayos po yung motor."

Nilingon ko si Christian. Nakatunghay din siya sa dalawang lalaking nag-uusap sa labas.

"Ako na lang ang ihatid mo, Christian. Madadaanan mo rin naman ang amin." Presinta ni Monica sa kanyang sarili. Nakangiti pa siya na parang batang nag-aabang na mabigyan ng kendi.

I gulped. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Gusto kong tumutol pero...wala akong karapatan.

"Mukhang susunduin naman si Lae, eh." Dagdag niya.

Bumaling ako kay Christian. Kita ko ang paglingon niya sa nakaabang na si Monica. He smiled a bit and just nodded.

Maluwag na ngiti ang tinugon ni Monica sa kanya. I even notice how she jumped a bit because of excitement.

Patago akong lumabi. Tss.

Kinuha ko ang bag ko sa basket ng bike ni Christian. Nagpaalam ako pero hindi ko na sila tinapunan ng tingin. Dire-diretso lang ang lakad ko patungo kay Papa at tahimik lang na umangkas sa likod niya.

Papa handed me the extra helmet. After I wore it, nilingon ko si Paul na nakatayo pa rin sa gilid.

"Thanks, Paul. Text text na lang." malamya kong sabi sa kanya.

"Ah! Oo, sige." Nakangiting sagot niya.

Tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. Nang muli kong sulyapan sila Christian at Monica ay nag-uusap na sila.

Nagngitngit ang loob ko sa nadatnang ayos nilang dalawa. Ang bigat sa pakiramdam. Parang may nakadagan sa dibdib ko na hindi ko maintindihan.

"Tara na? Maggo-grocery pa tayo." Narinig kong sinabi ni Papa.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon