Lae
Love.
Ang sarap pakinggan.
Iyon na ang naging endearment niya sa akin simula nang itawag niya sa akin iyon sa text. Sa tuwing napapag-isa kami, walang mintis iyon. Minsan, napapansin kong gumagawa lang siya ng excuses para makalapit sa akin at matawag ako sa ganoong paraan.
Nag-isip din ako ng itatawag ko sa kanya. Gayahin ko na lang kaya siya? Pero ewan. I find it cringy every time I think of calling him that. Hindi rin ako kumportable sa mga typical na tawagan tulad ng baby, babe, etc.
Chris is fine. Saka siya lang naman itong pauso ng tawagan!
Ang pangamba ko lang, baka 'pag nasanay siya sa ganoong tawag niya sa akin, bigla na lang madulas ang dila niya.
Hindi pa naman ako handa na malaman ng lahat ang tungkol sa amin.
"Love, pahinging crosswise." Bulong niya sa akin ng minsang nag-announce ng quiz ang teacher namin at crosswise na papel ang sinabi niyang gamitin namin.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pangambang baka may nakarinig sa kanya. Busy naman ang lahat dahil quiz nga. Kung hindi nanghihingi ng papel ang iba, nagla-last minute scan sa mga notes.
I glared at him. Alam niya na ang ibig kong sabihin kapag minamata ko siya ng ganito. I want him to stop calling me that when everyone's around. Ngumunguso lang siya pero kalaunan, nangingiti rin.
"Wala kang papel?' Hindi ako makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat lamang siya.
"Wala bang papel sila Ed?" Masungit na tanong ko sa kanya.
"Meron. Pero sa'yo ko gustong humingi."
Ang lalaking 'to! Dinayo pa ako sa harap para lang makahingi ng papel! Isang row ang pagitan ng mga upuan namin. At kahit bulong lang 'yon, medyo nag-aalala akong baka may makahalata sa mga ikinikilos niya.
Pumilas ako ng isang piraso at binigay iyon sa kanya. He smiled boyishly. Hindi na muling nagsalita but he mouthed saying 'Thanks, love.'
Marami pang instances na ganito siya sa akin. Sa paghiram ng ballpen, libro, o kaya kahit sa mga notes ko. Hindi kasi siya masyadong palasulat sa notebook niya. Lalo na sa Geometry at Trigonometry. Nakukuha niya agad ang lessons namin sa simpleng pakikinig niya sa teacher namin.
That's what I admire him the most. Sobrang galing niya pagdating sa mga numero. Aminado akong weakness ko ang Math. Kaya kapag study period namin, nagpapaturo talaga ako sa kanya sa mga Math lessons namin.
Siyempre, gustung-gusto ko rin 'yon dahil napapag-isa kami sa library o kaya sa classroom lang. Hindi naman nagtataka ang mga classmates namin kapag ganoon. Iniisip lang nila na nagpapaturo talaga ako sa kanya while in my mind, I am hitting two birds in one stone.
Nasa pangatlong linggo na kami ng Enero nang mag-announce ang adviser namin tungkol sa JS Prom. Everyone is excited! Ang iba nga, nagkakakontratahan na ng magiging partner sa prom.
Nakikinig lang ako sa dini-discuss ng adviser namin ng maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Hindi ko pinansin 'yon no'ng una kasi bawal kapag may teacher sa loob ng room pero dahil muling nag-vibrate iyon, I tried my best checking it without me being caught.
Christian:
Ako ang partner mo sa prom, love.
Christian:
Tanggihan mo na silang lahat.
Agad kong tinago ang cellphone ko at pasimpleng nilingon siya. Mabilis na nagtama ang mga mata namin. Ang isang kilay niya ay nakataas kaya lumabi na lang ako. Then he smirked mischievously.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...