CHAPTER 38

97 3 0
                                    

Lae

"See you after three months?" She asked while smirking.

Ito ang huling gabi ko sa Seattle. Hindi na ako pumasok sa hiling shift ko dahil halos hindi ko matapus-tapos ang pagpa-pack sa ibang iuuwi ko. Hindi naman pwedeng damit at ibang personal na gamit ko lang ang dadahil ko. Siyempre, pati mga pasalubong!

"Sandali lang 'yon." Sagot ko habang sinusulatan ko kung kanino ko ibibigay ang Barbie Doll na hawak ko.

Nagkibit-balikat siya at nagsimula na ring tumulong sa akin sa pagpa-pack.

"Sabagay. Oy humarot ka ro'n ah? Dapat pagbalik mo rito, may boyfriend ka na!"

Tinitigan ko siya ng may halong pagkakamangha. Ngumiwi lang siya sa naging reaksyon ko at lumabi lang sa akin.

"Girl! 26 ka na ngayong taon. Wala ka pa ring boyfriend!"

I shook my head and continued what I'm doing earlier.

"You should explore other options! Hindi ka lalapitan ng swerte sa lalaki kung ganyan ka. Look at me?"

I chuckled.  "Nina, hindi ko kaya 'yong ginagawa mong collect and select." Natatawa kong sabi sa kanya.

But she only snorted. "Hmmp! Mga inaanak lang kasi ang kinokolekta mo eh! Look at all these stuff." Iminuwestra niya ang mga gamit sa harapan naming dalawa. "Puro laruan! Puro damit ng mga pambata."

Ngumuso ako. "I love my goddaughters and godsons. Mga anak 'yon ng mga kaibigan ko. Saka hindi lang para sa kanila 'yan, no! Meron din diyang para kay Patricia!"

"Ginawa mo na namang excuse si Pat." Saad niya.

Sandali kaming natahimik. Ang daming pumapasok sa isip ko katulad ng kung may nakaligtaan ba akong bilhin para sa mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Ang tagal kong hindi nauwi, eh. Isa pa, gusto kong i-spoil si Papa kapag naroon na ako. I miss him so much.

Pati mga bills ko rito, nabayaran ko na ba lahat? Kung sabagay, I can pay online. May account naman ako rito kaya hindi na masyadong hassle 'yon.

Umusod siya sa tabi ko at sinikuhan ako. It caught my attention. Taas ang kilay kong nilingon siya, nagtatanong ang mga titig sa kanya.

"Oh baka naman kasi umaasa ka pa ro'n sa first love mo?" She asked curiously.

Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. My sience gave her an opportunity to teased me. Nangunot ang noo ko at nangingitig umiling sa kanya.

"Sira ka talaga, Nina." Nangingiti kong sagot.

"What? I'm just asking!"

"May girlfriend na raw 'yon." I said in a low tone voice.

Hindi ko alam kung bakit paanong naging gano'n ang paraan ng pgkakasabi ko. It's been years since we broke up. I admit that I still love him but I'm already healed from the pain it costed me from our past relationship. Wala na akong kinikimkim na sama ng loob sa mga nangyari.

"Talaga? Maganda?" Usisa niya.

Sandali akong natigil sa ginagawa at inalala ang video call na naganap noong New Year. Hindi ko masyadong napansin ang mukha no'ng babae dahil...abala ang mga mata ko sa kasama niyang matagal ko ring hindi nakita at sa pag-iisip kung paano ang magiging reaksyon ko kung sakaling...bigyan niya ng pansin ang pag-uusap namin ni Paul Luis.

Lumingon naman siya noon eh. Pero dahil lang yata sa ingay ng boses ng kausap ko. Pagkatapos nga ng tawag na 'yon, naisip kong baka nakuha ni Paul ang atensyon niya dahil sa biro niyang pag-propose sa akin.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon