Lae
Mahigpit na yakap ang ibinungad sa akin ni Paul Luis pagbaba ko galing sa aking kwarto. Simula raw ng sinabi kong uuwi ako, araw-araw na raw siyang dumadalaw dito dahil hindi naman ako nagbigay ng eksaktong petsa ng uwi ko. Mula sa duty niya sa station, dumiretso na siya rito dahil mukhang sinabihan na rin siya ni Papa.
"Miss na miss na kita!" Gigil na yakap niya sa akin.
Nadatnan ko silang dalawa ni Patty na naglalaro sa sala. Nakakatuwa ngang pagmasdan eh. He's still wearing his uniform pero matiyaga siyang nakikipaglaro sa kanya ng doll house at manika.
Sinubukan ko ng kumawala sa yakap niya dahil nahihigpitan na ako pero sinasadya niya yatang hindi pa ako bitawan. He laughed naughtily when he saw me winced already feom his embrace. Kung hindi pa ako pumalag na parang naaasar, hindi pa niya ako bibitawan!
"Grabe naman 'yang yakap mo, Paul!" Bulalas ko.
Napamaywang siya at humalakhak ng malakas. Naiiling na nakatingin siya sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I saw his convincing lopsided smile.
"You changed a lot, Lae. Mas maganda ka sa personal kesa sa video calls natin." Nakataas ang kilay na sabi niya.
Lumabi lang ako sa sinabi niya. He didn't change! Makulit pa rin at napakabolero.
"Huwag kang mag-alala dahil hindi ko nakalimutan ang pasalubong ko sa'yo! Kaya hindi ko na kailangan ang pambobola mo!" Pambabara ko sa kanya.
"Yon! Size 9 ako ah?"
"Che!" I mockingly glared at him.
Niyaya ko siyang magkape pero tumanggi siya. Hindi ko rin naman siya mae-entertain ng maayos dahil buo ang loob kong bibisita sa isang kaibigan.
"Aalis ako ngayon kaya kunin mo na ito. Meron din kila Uncle Isko ah." Ani ko habang sinisipat ko ang mga paper bag na may pangalan niya.
"Oh sige." Kibit-balikat niyang sabi. "May pupuntahan ka ba? Para kang nagmamadali eh."
"Meron." Kinuha ko ang susi ng Ford Ranger sa lagayan at hinarap siya.
"Samahan na kita! Wala na akong gagawin eh." Aloo niya.
Nag-isip ako. Sabagay, hindi na masama iyon. Hindi ko siya na-entertain dito sa bahay kaya pwede ring habang kasama ko siya, nakakapag-usap kami.
"Oh sige." Yaya ko. Pagkatalikod ay napigilan niya ako sa paghakbang dahil hinawakan niya ako sa aking braso.
"Magda-drive ka?"
Tumaas ang kilay ko. "Oo."
"Lisensya mo?"
Natigilan ako. Oo nga pala. Wala na akong lisensya rito. Kung meron man, paso na iyon at kailangan ko ng i-renew.
Ngumisi siya. Natanto niya yatang wala akong karapatang magmaneho dahil sa lisensyang hinahanap niya. Kinuha niya sa akin ang susi ng sasakyan namin at ibinalik iyon sa lagayan.
"Halika, sumabay ka na lang sa akin."
"Hindi ako sasakay sa big bike mo, 'no!" Protesta ko.
"Huwag kang mag-alala, may sasakyan ako." Saka niya ako kinindatan.
Bahagya akong napatda sa inasta niya. Matagal ko na siyang kilala. Kahit noong mga bata pa kami, madalas niya akong asarin para makuha ang atensyon ko. He never fails, though. Iyon nga lang, kapag sumosobra na siya sa pang-aasar niya, nakakatikim siya sa akin ng hampas o sapak.
Hindi na rin bago sa akin ang mga pagkindat-kindat niya. He was playful since then. Hindi lang siya sa akin ganito, kahit sa mga kaibigan naming babae o dili kaya'y sa mga naging nobya niya.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...