CHAPTER 48

111 5 0
                                    

Lae

"Putang ina, ang lungkot." Nakapangalumbaba kong sabi habang nakaupo kami sa maliit na hardin ng boarding house namin.

Narinig ko ang hagikhik ni Joshua. Sa gitna namin ay isang pitsel ng tubig na may ice at isang bote ng alak. Hindi ako agad umuwi rito dahil alam kong susundan ako ni Chris kaya una kong naisip makipagkita sa kaibigan.

Buti na lang, libre siya ngayong gabi.

"Ano'ng sabi mo?" Namamangha niyang tanong.

Sa namumungay kong mga mata, nilingon ko siyang nakangisi.

"Sabi ko, ang lungkot." Ulit ko.

"Hindi! 'Yong isa!"

Ngumiwi ako. Iyon lang naman 'yong sinabi ko ah?

"Putang ina?" Iyon ba 'yon?

Humagalpak siya sa tawa habang pumapalakpak pa. Nangunot ang noo ko, inisip kung ano bang nakakatawa sa pagmumura ko.

"Huwag ka ng nagmumura, Lae. Hindi mo bagay! Ang baduy mo pakinggan!"

"Eh sa gusto ko nga! Gusto mo murahin ko pa siya? Hoy!" Tumayo ako ngunit ramdam ko ang pag-alog ng mundo ko. Sumigaw ako sa kawalan. "Gago! Putang ina ka!" Angil ko na may halong panggigigil.

Narinig ko ang boses ng kung sino mula sa loob ng bahay. Hindi ko na iyon maintindihan pero mukhang sa amin iyon patungkol. Hinatak ako ni Joshua pabalik at saka binulungan. I only chuckled because I didn't understand anything.

"Ano ba kasi itong pinainom mo sa'kin? Sabi ko sa'yo, wine lang!" Reklamo ko.

"Sira ulo ka. Pinagsasabi mong wine, eh otsenta lang ang pera ko! Wala ka namang inambag kundi kwento lang."

Lumabi ako at tinanguan siya na parang naghahamon ng away. "Eh ano nga 'to?!"

"Gin saka kalamansi! Binili ko lang sa kanto 'yang gin tapos 'yang mga kalamansi, pinitas ko lang sa likod."

Humalakhak ako na parang nababaliw. Ito ang unang pagkakataon na uminom ng alak. Ganito pala ang malasing. Medyo nakakagaan sa pakiramdam at lumalakas ang loob kong magsalita ng mga bagay na hindi ko masabi kapag nasa katinuan ako.

Pero sa totoo lang, hindi naman natatanggal ang sakit.

"Gago siya. Ibinigay ko naman sa kanya ang lahat..."

Gusto kong matawa. Ganito 'yong mga tipikal na sinasabi ng mga taong brokenhearted. Akala ko kasi, hindi ko mararanasan 'to dahil naniwala akong hindi ako kayang lokohin ni Chris. I love him and trusted too much, I can't believe that he can cheat on me.

Hinawakan ko ang bote para magsalin sa shot glass. Mabilis ko iyong tinungga. Lumukot ang mukha ko dahil hindi na ako nag-abalang uminom ng tubig kahit na ramdam ko ang hapdi at init ng alak sa lalamunan ko. Buti na lang, medyo nanu-neutralize ang lasa ng kalamansing inilagay niya roon.

"Akala ko rin talaga, hindi niya magagawa sa'yo 'yon." Aniya.

I rested my head on my knees sideways, facing him. Ramdam ko na ang pag-ikot ng paningin ko. Nakakaisang bote pa lang naman kami ah? Ganito ba ako kahinang uminom? O dahil first time ko lang? Kaya ganito?

"Sobrang seloso! Napakapossesive sa'yo. Akala niya siguro lahat ng lalaking didikit sa'yo, aagawin ka sa kanya." Umiling-iling siya. Nakita kong nagsalin din siya ng alak at inisang tungga lang 'yon.

I smirked. Akala ko rin, Joshua. Akala ko rin.

"Pero takot lang din pala siya sa sarili niyang multo." Ngumisi siya at saka nailing ulit.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon