Lae
"Oh my god! I miss you, Lae!" Bungad sa amin ni Aby nang makapasok kami sa restaurant.
Tumayo siya at aambang yayakap sa akin. I met her halfway. Mahigpit ko siyang niyakap dahil na-miss ko rin siya. Kahit madalas kaming magka-usap sa cellphone, iba pa rin kapag nakakasama ng personal.
"Ang OA niyo! Parang ang tagal niyong hindi nag-usap." Nakalabing sabi ni Paul nang sa wakas ay kumalas kami ni Aby sa isa't-isa.
I giggled when her eyes rolled at him. Marami mang nagbago sa amin sa nagdaang panahon, nanatiling matatag ang samahan namin.
Sayang at kulang na kami ng isa.
"Pake mo ba? Sa na-miss ko nga siya eh! Hmmp!" Supladang hirit niya.
"Parang hindi ka naman sanay, Aby." Sabi ko at saka natawa.
Nalukot ang mukha niya habang nakatingin sa kasama. "Kainis kasi!" She shifted and smiled at me. "Come on! Upo na tayo."
Mula sa likod, hinawakan ni Paul ang magkabilang balikat ko. I didn't mind him. Iginiya niya ako sa table namin kung nasaan may grill sa gitna nito. Ang ilang karne na iihawin ay nasa gilid kasama ang ilang side dishes.
"Pasensya na kayo, ah? Lloyd won't be able to join us. May ka-meeting kasi siya ngayon para sa commercial complex na ipapatayo nila malapit sa airport." Si Aby habang naglalagay na ng karne sa griller.
Katabi ko si Paul. Sa harap namin ay si Aby. It's a 4-seater table kaya may espasyo pa iyon para sa amin.
"Okay lang. Marami pa namang chances." Ani ko.
"But if they'll end up soon, pupunta siya rito. Tinatapos niya lang 'yong mga dapat tapusin bago kami umalis for honeymoon." Dagdag niya.
I smiled and nodded. Paul started to put some meat, too, using the thong. Ganoon din ang ginawa ko.
"Huwag na. Ako na, hintayin mo na lang maluto." Aniya.
Ngumuso ako. "Gusto ko ring i-try."
He smirked boyishly at saka nagkibit-balikat. "Sige. Basta ingat lang, baka mapaso ka."
Paul has been extra caring to me since last night. Well, natural na sa kanya iyon mula noon pa. Pero baka dala lang sa nangyari kagabi kaya siya ganito ka-asikaso.
Humalakhak si Aby at saka nailing.
"Alam mo, Lae, single 'yang si Paul." She said with a hint of naughtiness in her voice.
Hindi ako tanga. I know she's up for something but...
"Pati ba naman ikaw? Ilalakad mo si Paul sa akin?"
"Bakit?" Kuryoso niyang tanong. "Sino pa bang naglalakad sa kanya para sa'yo?"
Nginuso ko ang lalaking katabi. "Sarili niya. Kami na lang daw dalawa dahil hindi na raw ako lugi sa kanya." Sabay lingon ko kay Paul at irap na rin.
Malutong na halakhak ang naghari sa banda namin. Medyo marami ang kumakain ngayon doon dahil tanghali. Nasa dulong bahagi kami ng resto kaya kahit mag-usap kami ng normal ang boses, hindi kami maririnig ng ibang mga customer.
"Okay naman 'tong manok ko ah?" Si Aby habang hinahango na ang ibang karneng naka-grill. Ininguso niya ang katabi ko. "Nag-bagong buhay na 'yan, Lae. Hindi na 'yan nambababae!"
Umirap ako sa kanya. "Maniwala!" Sabay turo kay Paul. "Kung noon nga na uhugin pa siya, nakakarami na sa babae. Paano pa kaya ngayon na matikas na?" Then I laughed at my own joke.
"Hindi na nga ako babaero!" He sneered at me. "Jowain mo na ako ngayon para mapatunayan mo!" Isinalin niya ang nalutong karne sa bowl ko. "Gusto mo, pustahan tayo?"
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...