CHAPTER 31

108 4 0
                                    

Lae

Nadatnan naming nagluluto na si Ate Lyn ng pananghalian. Nakangiti siyang bumati sa amin. I greeted her back. Bumulong sa akin si Chris na may kukunin lang sa kwarto niya kaya nagpaiwan na ako rito sa kusina. I had a peek on what she's cooking pero bahagya akong napangiwi.

Ginisang ampalaya.

"Sandali na lang ito, Lae. Maya-maya kakain na tayo. Tapos na 'yong bicol express." Nakangiting sabi niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at saka tumango. Pero nang maproseso ko ang sinabi niya, medyo napaisip ako.

Bicol express? Hindi ba't...maanghang 'yon?

I bit my lip. Hindi ako pwedeng mag-inarte. They invited me here. Kakainin ko kung ano ang nakahain. Iyon ang turo sa akin ni Papa.

Nagpresinta akong maghain sa mesa. Itinuro sa akin ni Ate Lyn kung saan nakalagay ang mga kubyertos at place mat. Naabutan pa ako ni Chris na naghahain kaya agad niya iyong inagaw sa akin.

"Kaya ko na 'to." Nakangiting sabi ko sa kanya.

He snorted and took the remaining plates that I'm holding. "Ako na. Bisita kita." Aniya.

"Ganito rin naman ang ginagawa mo sa bahay namin kaya okay lang talaga ako."

"Tsk. Tigas ng ulo mo, love." He continued what I am doing. "Check mo na lang 'yong inilabas kong gamit kung may kulang pa. Tatawagin kita kapag tapos na akong maghain. Hmm?" Aniya habang nakangiti sa akin.

I shrugged my shoulders and surrendered in this petty argument. Hindi naman siya magpapatalo kaya hindi ko na ipinilit ang gusto ko. When I went to the living room, nakita ko ang isang picnic basket na walang laman, dalawang tuwalya na kulay asul, banig, at isang payong.

Mukhang okay naman na siguro 'to. Nasa kusina siguro 'yong mga pagkaing dadalhin kaya bumalik na ako roon.

Kaso habang tahimik akong papalapit sa kusina, narinig ko ang mahinang boses nila. Parang...nagtatalo.

"Ate, wala na bang ibang ulam? Hindi 'yon kumakain ng maanghang!" Bulong ni Christian sa ate niya.

"Hindi mo naman sinabi! Kumakain naman siya ng gulay 'di ba?"

"Ano'ng gulay ang naluto mo?"

"Ginisang ampalaya—-"

"Ayaw no'n sa mapait!" Putol nito sa kanya. Nagmamadali niyang tinungo ang ref at naghalungkat ng kung ano roon.

I felt guilty. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon. Christian invited me here to join them for lunch and have some picnic with him on the riverside. Ate Lyn is very kind to cook us food. Nakakahiya pa ngayong nagkakagulo silang magkapatid dahil lang sa hindi ko kinakain ang mga ihahain nila.

Nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa sinabi kay Christian noon ang mga bagay na ito.

I sighed. I will eat what her sister prepared. Ayokong magluto sila ulit ng ulam dahil lang sa hindi ako kumakain ng mga ganoong pagkain.

Lumabas ako sa gilid ng pader kung saan ako nagtatago at masaya ko silang sinalubong.

"Kakain na ba tayo?" I asked them enthusiastically.

Sabay silang napalingon sa gawi ko. Kita ko ang pagkakataranta ni Ate Lyn. Pinatay niya ang apoy sa kalan at inilapag ang siyanse sa pinggan na naroon.

"Lae, nagugutom ka na ba? Ano...kasi..." hindi matapos ni Ate Lyn ang sasabihin.

Isinara ni Chris ang pintuan ng ref at lumapit sa akin. Bakas sa itsura nilang dalawa ang pagaalinlangan. It's almost lunch time. Kung hindi ko lang alam ang pinapangambahan nila, I'm pretty sure I'll be insensitive.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon