CHAPTER 44

102 6 0
                                    

Lae

Mataman ang tingin niya sa akin habang papalapit sa kinatatayuan namin. He matured a lot. Kung gwapo na siya noon, mas nadepina ito ngayon. Nawala na ang pagiging baby face niya. He looked ruthless and more manly now. At ang katawan, lalong lumaki. Tumangkad din yata siya.

"Hi, love!" Bati sa kanya ni Lexie.

Fuck.

Para akong sinaksak ng ilang beses sa dibdib nang marinig ko ang tawag ng babae sa kanya. Gusto kong maiyak. Para akong inagawan ng isang bagay na importante sa akin, pero alam kong hindi naman na akin.

Para akong na-traydor.

Love. Endearment ko sa kanya 'yon, eh.

Ramdam ko ang abnormal na pagtibok ng puso ko. Bumilis din ang ritmo ng paghinga ko. Suddenly, this place became umcomfortable for me. Parang sumikip bigla ang mundo para sa aming tatlo. Hindi ko kayang magtagal doon.

Humalik si Lexie sa pisngi niya bago kumapit sa kanyang braso. Napalunok ako. Hindi ko na kaya 'to. Susundan ko na si Paul Luis dahil kung hindi, baka maiyak na ako sa harapan nilang dalawa.

"How's work?" She asked him with her voice full of enthusiasm.

He smiled at her. "Medyo busy. Sorry, hindi na ako nakadaan kaninang tanghali."

Sige lang, Lae. Makinig ka lang. Damhin mo ang sakit.

"What's happening here?" Tanong ni Chris sa kanya.

I suddenly felt euphoric. I missed his voice. Ang tagal kong hindi narinig 'yon. The last time I heard it was when I finally said to myself that I will move on from the past. I listened to all our recorded calls on my phone before I finally decided to delete it.

"Wala naman. Hinihintay ko lang ang bayad niya." Sagot ni Lexie.

Sabay silang napalingon sa akin. I smiled awkwardly. I really have to go to Paul now and ask money to him.

"Miss, wait lang ah? Ibang wallet kasi ang nadala ko. Kukunin ko lang sa kotse." Paalam ko.

Kailangan ko pang magsinungaling para hindi ako magmukhang tanga sa harapan nila.

"Magkano ba?" Narinig kong tanong ni Christian. Hindi ko alam kung para sa akin ba iyon o para sa babaeng katabi niya.

"Five hundred only." She looked at him. "Bakit, love?"

Nagtagis ang mga bagang ko. Naiirita na akong pakinggan ang tawag niya kay Chris.

"I'll pay for it." He answered.

Agad akong umiling at magpo-protesta na sana nang biglang sumulpot si Paul Luis sa tabi ko.

"No need! I can pay for it."

Hay! Praise God! Hulog ka ng langit!

"Hindi ka pa ba tapos?" Tanong niya.

I gulped. Nilingon ko siya. "Pahinging pera." Bulong ko.

Inilapit niya ang mukha sa akin. "Ano?"

"Pahinging pera." Pabulong ngunit mariin kong sabi.

Please, Paul Luis! Dinggin mo sana ngayon paghihirap ko habang nasa harapan ako ng dalawang ito!

"Lae, huwag mo ng bayaran. It's on me." Agaw pansin ang pagtawag sa akin ni Christian.

Napalingon ako sa gawi nila. Makailang ulit akong umiling dahil ayokong kunin ang mga bulaklak ng libre.

Damn it! I have money. I can pay for it! Ayokong magmukhang kawawa ngayon sa harapan nila. Para na ako lulubog sa sakit na nararamdaman ko ngayon. I can bear the pain I am feeling now but hell, I can't let my pride hurt, too.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon