Lae
I shifted my gazes because I cannot stand his stares towards me. My emotions are sucking me since last night. Halata sa itsura ko ang walang tulog. My eyes are a bit swelling, dahil sa pag-iyak ko kagabi.
May binulong si Paul kay Patty bago tumango ang huli. He kissed Patty's cheek before he let her go. Naupo ang bata sa sofa, hindi kalayuan kung saan nakaupo rin ang kanyang ama. I gulped. Christian is looking at her intently but it seems like my child is oblivious to his presence.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Paul sa akin. Hindi ko napansin ang paglapit niya dahil natuon sandali ang atensyon ko sa nakikita.
Tumatahip ang dibdib ko sa kaba. Halos isang dipa lang ang pagitan nila. I just wish that Chris can still handle himself not to say anything yet to the kid.
Tinawag ulit ni Paul ang pangalan ko. As I slowly looked at him, I felt his warm gentle touch in my elbow.
"Okay ka lang ba, Lae?" Ulit niya.
Pinilit ko ang sariling hindi kakitaan ng pagkatamlay. I just greeted them cheerfuly a while back but my moods shifted easily when I saw Christian's miserable eyes.
"O-Oo naman." Sinundan ko iyon ng pag-ngiti para makumbinsi ko siya.
Sandali akong pinagmasdan ni Paul bago marahang tumango. "Halos magkasabay lang kaming dumating ni Christian kanina rito." Bulong niya.
Halos magkapanabay naming sinulyapan si Chris na tahimik lamang na nakaupo. Kami na ngayon ang tinitingnan niya. Salitan ang naging pagsulyap niya sa aming dalawa bago niya iniwas ang mga mata at ibinalik sa bata.
"Alam na ba niya?"
Tumango ako. "Nandito siya kagabi."
"Paanong nangyari 'yon?"
Bumuntong hininga ako. "Mahabang kwento." Pagod kong sagot sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
Ngumuso siya. "Ngayon ang fitting ng mga damit na gagamitin sa kasal ni Aby. Nakalimutan mo?"
Oo nga pala! I almost forgot it! Nasabi nga sa amin ito ni Aby noong nagkita kami. Ipinaalala pa niya sa amin iyon few days ago. Dalawang linggo mula ngayon ay kasal na niya kaya puspusan na ang preparation.
I can't believe I almost forgot it!
"Mga abay lang naman ang nakaschedule ngayon."
"Ano'ng oras daw ba?"
"Alas nuwebe ng umaga."
"May pasok pa si Patty." Wala sa loob kong sagot sa kanya.
"Pwede natin siyang ihatid bago tayo tumungo sa siyudad. Ibilin muna natin siya ngayon kay Manang Lusing?"
Pwede rin. Ako ang mag-aasikaso sa kanya ngayong araw bago gumayak sa eskwela. Kung alas nuwebe ng umaga ang lakad namin, kailangan ko na ring mag-ayos ng sarili.
"Oh sige. Maghihintay ka ba?" I glanced at the wall clock. "Marami pang oras, wala ka bang ibang pupuntahan?"
Umiling siya. "Wala na. Hihintayin na lang kita. Wala rin naman akong gagawin sa bahay kung uuwi pa ako."
"Oh sige." I slightly nodded my head. "Papahatiran ko kayo ng kape kay Manang."
It will be a busy day, I think. Okay na rin 'yon. Para medyo may pagkaabalahan din ako.
Nilapitan ko si Patricia para masimulan ko na ang pag-aasikaso sa kanya. I glanced at Chris before I returned my eyes on my child. Nang makalapit ako'y umayos din siya sa pagkakaupo.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...