CHAPTER 52

113 4 1
                                    

Lae

Hindi ko na ulit siya nakita nang araw na iyon. Mahirap man para sa aming dalawa, kailangan na rin siguro muna naming huminga. I have to think for the things that had been compromised throughout our relationship.

Myself.

Hindi natuloy si Papa sa pag-uwi niya. Lihim akong nagpasalamat dahil do'n. Hindi ko kasi kayang harapin si Papa na kasama si Chris. Iniisip ko pa lang, para na akong nanghihina sa bigat ng nararamdaman ko. Mapapansin ako agad kahit gaano ako kagaling magtago ng nararamdaman.

Ayokong humarap kami sa kanya na in bad terms. Baka sabihin lang niya na maghiwalay na kami ng tuluyan.

Tinanggap ni Christian kalaunan ang naging desisyon ko. Hindi muna siya nagpakita sa akin pero nang magtagal ay madalas na siyang magpadala ng text messages. Good morning at good night texts, reminders tuwing oras ng kain, at ang madalas niyang pag-iwan ng pagkain tuwing hapon, pagkauwi ko galing sa duty.

Katulad ngayon. May nakasabit na naman na eco bag sa door knob ko.

I sighed. Paano ako makakapag-isip ng maayos kung ganitong madalas pa rin ang paramdam niya?

"Galing si Christian dito kanina. Nagkasalisi lang kayo. Mukhang nagmamadali, eh." Bungad sa akin ni Tin, isa sa mga boarders na kasama ko.

Nilingon ko siya. Kalalabas niya lang galing sa kwarto niya na katapat ng akin. I nodded, took the eco bag and unlocked my door. But before I was able to go inside my room, muli siyang nagsalita.

"Naghiwalay na ba kayong dalawa?" she curiously asked.

Humigpit ang hawak ko sa door knob. Hindi ako magtataka kung bakit siya nagtatanong ng ganito. Hindi na kasi nila nakikitang magkasama na dalawa. Halos magdada-dalawang linggo na rin.

Pero noon nga, isang buwan mahigit siyang walang paramdam, hindi naman sila nagtaka.

"Hindi, Tin. Kami pa rin." I answered plainly.

Tama naman ang sagot ko 'di ba? Cool off lang naman ang hiningi ko sa kanya. I can't totally lose him.

Time-out lang ito para sa lahat ng sama ng loob na naipon ko sa relasyon namin.

"Oh? Akala ko break na kayo. Ilang beses ko kasi silang nakitang magkasama nung anak ni Vice Mayor, eh. Si Nikki." Isinara niya ang pintuan ng kwarto niya saka ako muling hinarap. "Sige ah? Alis muna ako."

Tanging tango lang ang naitugon ko dahil hindi pa naproseso ng utak ko ang una niyang sinabi. Iniwan niya na akong tameme pa rin habang nag-iisip.

Laging magkasama? Anak ng Vice Mayor? Nikki?

I went inside my room. Inilapag ko ang eco-bag na may lamang container sa maliit na mesa. Isinalampak ko ang sarili sa kama kahit hindi pa ako nakakapag-ayos ng sarili.

I comforted myself like I always do. Kung iyong Nikki nga ang kaklase ni Christian, normal lang siguro ma madalas silang magkasama. Siyempre, kasama niya iyon sa thesis nila. Malamang, magsasama talaga sila. Saka hindi lang naman sila ang naroon. I saw his bunch of classmates, too. Hindi sila mapapag-isa.

But everytime his confession crosses my mind, hindi ko maiwasan ang magtanim ng sobrang duda at selos para sa babaeng 'yon. Alam kong wala sila communication pero...ang isiping naghalikan sila, para akong nalulunod sa sama ng loob.

I sighed. I shouldn't be sulking here now. I asked this temporary freedom for myself. I have to make up my mind, but in no rush, of course.

Hindi naman kasi madaling magtiwala ulit kahit ano'ng pilit ko sa sarili ko. Para lamang akong napipilitan. Ang gusto ko, kung magtitiwala ulit ako, iyon ay dahil may rason para ibigay ko ulit iyon sa kanya.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon