CHAPTER 55

131 6 3
                                    

Lae

I couldn't help myself but think that maybe I should weigh things and plan to tell to him about Patricia. It feels wrong for me but to liberate ourselves from the truth that had been hidden for the past years will fix everything for us. Hindi na kami mag-iisip kung hanggang kailan namin itatago ang totoo sa bata at sa lahat, hindi na ako kakainin at papatayin sa kakaisip ng konsensya ko sa tuwing ipinapakilala ko siyang kapatid ko, at si Patty, she deserves to know the truth about her real identity.

Hindi ko man siya mabigyan ng kumpletong pamilya ngayon, ibibigay ko ang lahat ng kaya ko para mapunan ang anumang pagkukulang ko sa kanya.

After that lunch date with my friends, ilang araw akong namalagi sa bahay para maglaan ng oras sa kanya. I'm still adjusting, too. Lahat naman ng ito ay bago sa akin. I've been working my ass off for years, all I can provide are her material needs. Ngayon ko pa lang naibibigay sa kanya ng buo ang maternal care na matagal ko nang gustong iparamdam.

Ngayon pa lang ako makakabawi.

Sunday came and we went to the church. Nag-attend kami ng misa nila Papa at Patricia. I saw some familiar faces, too. Ang iba'y bumati sa akin at sandaling nakipagkamustahan pagkatapos ng misa.

"Laelae, bili tayo ng cotton candy!" She said while gently tugging my dress.

"Alright." I responded. I equalled her cheerfulness.

Pumunta kami sa nagtitinda ng cotton candy. I can see glitters from Patricia's eyes when she saw the different designs and colors of it. Nay korteng puso, meron ding bulaklak, at korteng si Mickey Mouse.

"I want that!" Tumatalon-talon siya habang itinuturo ang kulay pink na cotton candy na may korteng puso.

Inabot sa kanya iyon ng tindero. She smiled widely and said her thanks. Pero bago pa kami makaalis doon, isang batang lalaki ang tumatakbo papunta rito habang tinatawag siya sa boses na pamilyar sa aking pandinig.

"Zac!" Narinig kong sabi ng babae.

My eyes glued on the young boy infront of me. He looked boyish on his outfit. Mas bata kay Patricia ng ilang taon. At hindi ko masisisi ang tumatawag sa kanya dahil tagaktak ang pawis sa gilid ng ulo niya'y naglilikot pa rin.

"Ineng, sukli mo." Tawag sa akin ng matandang lalaki.

Nalipat ang mga mata ko sa matandang tumawag sa akin. Tipid na ngiti ko iyong inabot at nagpasalamat. Napansin kong may babaeng sumunod sa batang lalaki na ngayon ay mukhang namimili na rin ng gustong ipabili. Pero nang mag-angat ako ng tingin matapos kong abutin sa tindero ang sukli, para akong natuod sa kinatatayuan ko.

Nagtama rin ang mga mata namin ng babaeng iyon. Walang nagbago sa kanyang itsura maliban sa kanyang pananamit. She looked vibrant. Maganda at maamo pa rin ang mukha.

"Lae?" Siya ang unang nagsalita dahil parang naumid ang dila ko.

Maluwang na ngiti ang isinukli ko sa kanya. She smiled warmly, too. Hindi nagbago ang awrang pinapakita niya sa akin ngayon. Her smiles are welcoming. Kahit na matagal na kaming hindi nagkita, hindi ko naramdamang may nagbago sa kanya.

"Ate Lyn!" Anas ko.

I suddenly forgot Patricia beside me. Inambahan ko ng yakap ang taong itinuring kong nakakatandang kapatid. Masaya niyang tinanggap niya ang yakap ko bago niya ako muling hinarap. Namamangha niya pa akong tingin mula ulo hanggang paa.

"Ang laki ng pinagbago mo ah! Kailan ka nakauwi?"

Alam ng lahat na nangibang bansa ako para magtrabaho. Kaya hindi ako magtataka kung pati siya ay alam ang tungkol doon.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon