Lae
Mga halik ni Patty ang bumungad sa akin paggising ko sa umaga. Kahit nakapikit ako at antok pa, ramdam ko ang mga hawak niya sa akin at dinig ko ang matinis niyang hagikhik.
"Oh, no! Laelae may sugat ka!"
Her voice sounded horrified. Nakita niya siguro ang gasa sa ulo ko. Naramdaman ko ang marahan niyang paghawak roon. Akma kong imumulat ang mga mata nang maramdaman kong hindi lang siya nasa silid ko.
"Come here, sweetheart. Mommy's still sleeping."
Para akong nanigas sa kinahihigaan ko. Kilalang-kilala ko kung kanino nanggagaling ang boses na iyon. Gising na siya? Nandito pa siya? Ano'ng oras na ba?
Halos ipitin ko ang paghinga ko sa kagustuhan kong magpanggap na natutulog pa. Pero mapilit si Patricia. Kung saan-saan na tumutusok ang mga daliri niya para hanapin ang kiliti ko. She wants me to get up now. Okay lang naman sana pero kung ang ama niya ang unang makakaharap ko sa paggising sa umaga, I'd rather play asleep until they decide to just leave me here.
"Anak, halika na. Tulog pa si Mommy." Narinig ko ang mahihinang yabag ni Chris.
Palapit siya sa akin! Oh no!
Nag-isip na ako kung paano ako magpapanggap na bagong gising lang. Bumuhos ang mga ideya sa utak ko. Pwede naman akong magdahan-dahan sa pagmulat ng mga mata. O kaya naman, unti-untiin ko na lang ang pagkilos ko. Kaunting baling, tapos haharap na sa kanila.
Patricia giggled and called his father. She kept jumping on my bed pero makailang ulit niyang tinawag ang ama niya.
"Buhat mo ako, Daddy Chris!" She followed it with her sweet chuckles.
Ramdam ko na ang lapit ng presenya ni Christian sa kama. Tumatahip ang puso ko sa bilis ng tibok nito. What am I going to do now? Babangon na ba ako?
Pero hindi ako handang makaharap siya ngayon!
Lumubog ang gilid ng kama, palatandaan na may mabigat na bagay na naroon. Malamang ay naupo siya. Hindi ko alam! Basta sigurado akong malapit na siya sa akin. Mabuti na lang, nakaharap ako sa kabilang banda ng kama. Nakatalikod ako sa kanila. Dahil kung naiba man ako ng posisyon, paniguradong nabuking na akong kanina pa ako gising at nagpapanggap na lang para makaiwas sa kanila!
Lumundo saglit ang kama hanggang sa naramdaman kong wala nang ibang naroon. Christian murmured something to Patty which made her giggled again. Hindi ko iyon nabigyan ng pansin dahil mas nakakabingi ang lakas ng pintig ng puso ko.
Then I heard the door shut. Doon lang ako nakahinga ng maluwag at mabilis na bumangon.
Agad kong napansin ang pagiging malapit nila agad sa maiksing panahon. Sa ilang beses na pagdalaw ni Christian dito sa amin, hindi naman sila naging ganoon kalapit. I introduced him to her first as my old friend.
Pero pagkatapos lang ng isang gabi, 'Daddy' na ang tawag sa kanya ng bata.
Parang may humaplos sa puso ko. Ganoon niya kabilis natanggap ang lahat. She doesn't seem to be affected so much for keeping her away from his real father. Parang...sa isang paliwanagan lang, ayos na ang lahat.
Or is it because she's still a child? Na hindi pa niya lubos maisip ang mga nangyayari?
Nevertheless, the tranquility of my mind and soul reigned within me. Hindi ko na kailangang mangamba pa dahil sa sikretong matagal ko nang dinadala. Payapa na ang aking konsensya. Magkaganun pa man, patuloy pa rin ako sa pagbawi sa kakulangan ko sa kanya bilang ina. Nagawa ko mang ibigay ang mga materyal na pangangailangan niya, hindi ko naman naibigay ng buo ang pagmamahal ko bilang isang ina.
BINABASA MO ANG
Bridge
عاطفيةMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...