CHAPTER 3

141 3 0
                                    

Lae

Ang sabi sa nabasa ko, kapag nahuli mo raw ang tao na nakatingin sa'yo sa unang pagkakataon, pwedeng accidental lang iyon. Kung sa pangalawang beses, intentional na.

Eh ilang beses ko na bang nahuli si Christian sa mga pasulyap-sulyap niya sa akin? Maraming beses na!

Katulad kanina, isa-isa na kaming tinawag ni Ma'am Loida para sa graded recitation namin sa Chemistry. We were called in alphabetically order.

Tapos na akong mag-recite. Nakabisa ko ang lahat ng mga elements kaya perfect ang score ko.

"Ang galing ni Lae..." narinig kong bulong ng kung sino matapos kong mag-recite sa harap.

I smirked inwardly and felt proud for myself.

"Abangan mo si Christian, perfect din 'yan sigurado."

I pursed my lips and ignored them.

"Ponferrada, Christian" tawag sa kanya ni Ma'am Loida.

Hindi ko siya sinulyapan ngunit alam kong mga yabag niya ang naririnig kong papalapit sa harapan.

I busied myself just so I won't be tempted to check on him and see if he's looking at me. Binasa kong muli ang table of elements habang naririnig siyang nagre-recite sa harap.

Sinusundan ko ang bawat bigkas niya ng mga elemento. Nakakabilib din dahil habang sinasabi niya iyon ay walang time lapses. Ibig sabihin, talagang kabisado niya hanggang sa susunod na mga elemento.

Sinubukan kong sumulyap sa harap para makita siya. Hindi ko rin alam kung bakit gustung-gusto ko ang ideyang tinitingnan niya ako.

Tiningnan ko siya pero diretso lamang ang mga mata niya sa likod ng classroom. Nakaramdam ako ng kaunting dismaya dahil inakala kong nakatingin siya ulit sa akin.

Is he crushing on me?

Ngumisi ako habang iniisip iyon. Kung totoo nga, ibig sabihin, maganda ako?

Lalong lumapad ang ngisi ko.

Malakas na tapik sa braso ang pumukaw sa atensyon ko.

"Huy! Para kang timang!" Bulong ni Paul Luis sa akin.

I glared at him but he only smiled annoyingly.

"Ano'ng iniisip mo, ha? Nag-iimagine ka ah..." tudyo niya sa'kin.

I grimaced and looked away.

"La kang pake." Sagot ko.

I unintentionally looked at Christian again. Pagsulyap ko sa kanya ay siyang tingin rin niya sa akin.

I gulped. Ako ang unang bumawi ng tingin. Hindi ko maiwasang tubuan ng matinding hiya dahil nahuli niya akong tumitingin sa kanya.

Wala pa akong nalalaman na nagkakagusto sa akin. Tingin ko kasi'y hindi naman ako kagandahan. Typical lang ang itsura ko't simple lang din akong manamit.

I have crushes, too. Itong senior na athlete sa basketball. O kaya 'yong college na athlete din ng volleyball.

I admit, I get attracted to boys who are athletic, matatangkad at magaganda ang katawan. Pero hanggang paghanga lang ako dahil maliban sa hindi naman talaga ako interesado sa malalim na ugnayan, hindi rin naman ako papansinin ng mga iyon.

Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor papunta sa room namin. I was texting Monica to bring my notes in Statistics that she borrowed the other day. Nasulyapan ko na ang grupo nila Christian na makatambay sa gilid. Si Edmund at Gil ay nagku-kwentuhan habang nakikinig lang sa gilid ang kasama nila.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon