Lae
Kanina pa ako nakahiga sa kama pero hindi na ako madalaw ng antok ko. Kung kanina, para akong mantikang tulog na mahirap gisingin, ngayon ay para akong kwago dahil mulat na mulat ang mga mata ko.
Magkatabi kami ni Christian ngayon sa kama. Pareho kaming nakatiyaha ngayon sa kama pero siya'y nakapikit na. Puting kisame lang ang nakikita ko at ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay o galaw dahil baka magising siya.
Kaso hindi ko na matagalan na kisame lang ang pinagmamasdan ko kaya bumaling ako paharap sa kanya.
His peaceful breathing told me that he's already sleeping deeply. Sandali kong pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang mukha. Hindi talaga maikakailang gwapo ang mahal ko. Sa nagdaang panahon, nag-mature ang itsura at pigura ng kanyang katawan. Mas tumangkad din siya at mas nadepina ang kagwapuhan niya.
Baby face pero napakaseryoso ng itsura. I smirked and looked at him better.
Tulog na tulog naman siguro 'to?
I gently carressed his face. Hindi ko aakalaing may taong darating sa buhay ko na tulad niya. All through my life, si Papa lang ang naging kasa-kasama ko. Maliban sa mga kaibigan, siyempre. Pero ang klase ng ugnayan naming dalawa ni Chris, ibang klaseng saya ang ibinibigay sa akin. Parang...ang sarap gumising sa umaga dahil makikita mo na naman siya at ang hirap matulog sa gabi dahil ayaw mo pang matapos ang araw na kasama siya.
I've been loving this man for years now. Nineteen na kaming pareho. Few years from now, we'll be graduating from college and find a job. Pero sa bawat endeavors ko sa buhay, siya lang talaga ang nakikita at gusto kong makasama habang inaabot ko lahat ng iyon.
I traced every corner of his face. Mula sa paghawi ng buhok niya sa kanyang noo, sa kanya mga kilay, mata na may mahahabang pilik-mata. Ito ang pinakagusto kong parte ng mukha niya. Naalala ko tuloy ang mga pagtitig niya sa akin sa tuwing nahuhuli ko siya. Minsan, iniiwas niya pero madalas, nakikipaglaban ng titigan sa akin.
Ang sabi niya sa akin noon, first year highschool pa lang kami ay crush niya na ako. Hindi ko lang daw napapansin dahil hindi niya ako kinakausap noon.
Bumaba ang mga daliri ko sa matangos niyang ilong. Madalas ko itong pisilin noon dahil sa tangos nito. Sa tuwing napapag-isa kami, he would trace my cheeks using the tip of his nose, at saka niya ako hahalikan.
Ang mapula at manipis ngunit korteng pusong labi niya ang kukumpleto sa kagwapuhan ng kanyang mukha. Ilang beses akong pinanghina at dinadala nito sa ibang mundo kapag hinahalikan niya ako sa mga labi ko. He was my first kiss. I was his, too. Masarap ang bawat hagod ng mga labi niya sa tuwing nilulunod niya ako sa kanyang mga halik. Ayaw kong matapos. Kung hindi lang mamamaga ang mga labi namin sa tagal ng nagiging halikan namin, wala akong balak na tapusin iyon.
Pero bago pa bumaba ang kamay ko at pagapangin iyon sa kanyang dibdib ay mabilis niya iyong nahuli. Napasinghap ako sa gulat. Pakiramdam ko, nahuli akong may ginagawang mali.
Hinarap niya ako at saka namamanghang tiningnan.
"Ano'ng ginagawa mo?" Tanong niya.
I bit my lip and shook my head. Binalak kong bawiin ang kamay ko pero hindi niya iyon pinakawalan.
"Hindi ka makatulog?" Dagdag niya.
Umiling ulit ako. Nagising ko pa tuloy siya. Kung bakit kasi may pahaplos-haplos pa akong nalalaman sa mukha niya eh.
Hinila niya ang kamay ko palapit sa kanya habang ang isang kamay niya'y inilapit ako palapit sa kanyang katawan. He wanted us to hug, na hindi ko naman ipinagkait sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...