Lae
Kanina pa ako pabaling-baling sa higaan ko pero hindi pa rin ako madalaw ng antok. It's almost midnight but my mind is still active. I'm done with my things, I finished everything just like what he said. Ang readings ay pwede kong ituloy bukas bago kami mag-meet o mamayang madaling araw. Sanay naman ako sa ganoong set-up. Nakakapagod pero nasanay na ang isip at katawan ko sa ganoong routine. Late matulog at gigising ng maaga para mag-aral.
I've been texting Christian but he's not replying to me. Naka-ilang hingi na ako ng tawad pero hindi siya sumasagot. Is he sleeping already? Gusto ko siyang tawagan pero mas mabuti yata kung magkikita kami.
Pero kailan? Bukas pa ng gabi? Hindi ko na yata kayang maghintay pa.
Tumayo ako at inayos ang kama ko. I am in my usual buttoned down terno pajama. Kinuha ko ang module na babasahin ko mamaya at ang cellphone ko bago ako lumabas. I can't wait for another morning knowing that we just had a fight. Baka lalo lang akong hindi mag-function kakaisip nito.
Tahimik akong nakalabas sa boarding house at binagtas ang daan papunta sa kasera niya. Dalawang bahay lang naman ang pagitan naming dalawa. Hindi naman madilim sa labas dahil sa street lights kaya malakas ang loob kong puntahan na siya ngayon.
I will sleep in his room tonight.
Gising pa sila Aunty Julie nang marating ko ang bahay-paupahan niya. Mukhang may pinapanood na pelikula kasama ang ibang boarder na naroon.
"Magandang gabi po, Aunty." Magalang na bati ko.
Binati rin ako ng iilang naroon. I smiled at them politely. Nakita kong bumaba ang tingin ni Aunty Julie sa hawak kong modules at saka nangiti.
"Mag-aaral kayo? Nasa taas na siya." Nakangiting sabi niya.
"A-Ahm... sige po. Akyat na po ako." Nahihiyang sagot ko at napasulyap sa ibang naroon.
Kitang-kita ko ang nakakalokong ngisi nila. Parang natatawa sila sa ideyang pupunta ako ng hatinggabi sa kwarto ng boyfriend ko para lang mag-aral? Boy, who would think of it? Mga inosente lang ang mag-iisip ng ganoon! Of course I know what's running on their minds. Nahihiya man ako pero hindi ko na lang pinansin.
Dire-diretso ang lakad ko paakyat sa second floor. Habang papalapit ako sa kwarto ni Christian, lumalakas ang kabog ng puso ko. I've been practicing my lines on how to apologize with him on my way here pero iba na pala kapag sasabihin mo na sa personal. Parang...gusto ko nang umatras.
Pero bakit ko gagawin iyon? That is my main reason why I'm here! Galit lang iyon sa akin kaya ako kinakabahan. He walked out a while back. He rejected my apology kaya siguro may kaba akong nararamdaman ngayon.
Oh please. I hope he'll accept my apology now.
Tatlong mararahan na katok ang ginawa ko sa pintuan niya. I know he's still up because I can see that his lights are still on. Naramdaman ko ang mga yabag niya palapit sa pintuan kaya hinanda ko na ang sarili ko. Should I greet him with a smile? Well...I can smile at him but I don't feel smiling now.
Kaya nang buksan niya ang pintuan niya, nadatnan niya akong nakatungo sa baba habang malalim na nag-iisip. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at napalunok. I'm totally speechless in front of him.
Nagkatitigan kaming dalawa. He looked miserable, too, just like me. Mukhang...pareho yata kami ng nararamdaman ngayon.
He sighed. "I was about to go back to your room. Paalis na sana ako." Mahinang sabi niya sa akin.
Humigpit ang hawak ko sa module ko. Wala akong ibang masabi kundi...
"I'm sorry..." I whispered.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...