Lae
Patricia was very happy as we travel together with her father. Kumakanta siya ng mga children's song, nakikipagkulitan sa aming dalawa ni Chris, hanggang sa mapagod siya't dalawin ng antok.
"Nangangalay ka na?" Chris asked when he saw me stretching my right arm.
Nakatulog na sa mga bisig ko si Patty. Lampas na rin kami sa siyudad. Pulos bukid na ang nadadaanan namin. Idagdag pang hindi kami nag-iimikan. Puro buntong-hininga at nakaw na sulyap lang ang nagagawa namin.
"Medyo. But I can manage." Sagot ko sabay hikab.
"Ilipat natin siya sa car seat." Aniya.
Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Nag-menor siya hanggang sa maitabi ng maayos ang sasakyan sa shoulder ng kalsada. Bumaba siya at umikot sa gawi ko. As I open the passenger's door, he carefully took Patricia in my arms. Akma akong bababa para sana tumulong pero pinigilan niya ako.
"It's alright. Ako na." Sabi niya.
"Sigurado ka?"
"Yeah."
Tumango ako. Inalalayan ko na lang siya habang maingat niyang kinuha ang bata mula sa mga bisig ko. He managed to transfer Patricia and placed her on the car seat carefully. When he got back to his seat, ako naman ang kanyang binalingan.
"Are you sleepy?"
Tumango ako. "Yeah. Malayo pa ba?"
"Oo. Nasa isa't kalahating oras pa na biyahe."
Humikab ulit ako. Gusto kong umidlip. But I think it's not appropriate. Baka isipin niyang tinutulugan ko lang siya.
"Matulog ka muna para makabawi ka ng lakas." He suggested.
Umiling ako. "Okay lang. Sa resort na lang ako magpapahinga."
Pero ilang minuto lang ang nakalipas ay hinahatak na ako ng matinding antok. Nauuntog-untog pa nga ang ulo ko sa bintana, dahilan kung bakit ako naaalimpungatan.
Hindi ko na rin napanindigan ang sinabi ko sa kanya. Naramdaman ko na lang ang sariling tinatangay na ng antok. Nakatulog na ako ng tuluyan. Pero sa kalagitnaan ng tulog ko ay naramdaman kong natigil kami sandali sa biyahe at kumportable na akong nakasandal sa upuan ko.
"Lae," tawag sa akin ng isang mababa ngunit malamyos na boses.
Halos ayoko pang magmulat dahil sa sarap ng tulog ko. I groaned and renewed my position. I faced my right side. But I felt hot breath fanning on my cheeks.
"Lae, wake up. We're here." Tawag ulit sa akin ng pamilyar na boses.
Marahan akong nagmulat. Mabigat pa ang mga talukap ng mata ko pero ramdam kong hindi titigil ang kung sinong tumatawag sa akin hangga't kung hindi pa ako gigising.
Nasa sasakyan pa ako. I'm still in seatbelt. The vehicle's at rest already the engine's still on.
Nilingon ko ang kaliwang bahagi ko. Christian was so close to me. Kaunting distansya na lang, magdidikit na ang mukha naming dalawa.
"Nakarating na tayo." Aniya.
I cleared my throat. Bumangon ako mula sa pagkakasandal ko sa upuan. Umayos na rin siya sa pagkakaupo. I noticed that my seat was reclined, good enough for me to sleep confortably. Inisip ko kung ako ba ang may gawa nito dahil hindi ko matandaan sa sobrang antok ko kung inayos ko ba ang pagkaka-recline nito.
I unbuckled my seatbelt and glanced at the back seat. Napamulagat ako!
Wala na si Patricia!
"Nasaan ang anak ko?" Naaalarmang tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...