CHAPTER 39

98 3 0
                                    

Lae

Inubos namin ni Christian ang buong bakasyon namin bago muling magsimula ang summer class. Graduating na ako sa susunod na school year, siya naman ay dalawang taon pa ang gugugulin sa kolehiyo dahil limang taon ang engineering.

Kung hindi sa amin, madalas ay sa bahay nila. Simula kasi nang may mangyari sa amin, napansin ko ang mas pagiging attach at clingy ni Chris sa akin. He wanted us to be together always, na kung hindi ko pa siya pipiliting umuwi sa kanila ay hindi siya aalis sa bahay.

Wala kaming usapan ngayon na magkikita kami pero alam kong nasa bahay lang nila siya ngayon, may tinatapos daw na disenyo. I'm planning to surprise him again. Kaya para madatnan ko siya sa kanila bago niya ililim ang mga alaga niya, maaga akong gumayak papunta sa kanila.

Dumaan ako sandali sa bakery para bumili ng pianono na paborito niya. Special fare na ang binayaran ko sa tricycle para maihatid na agad ako ng driver papunta sa kanila. Nang makarating ako roon, nakita kong nakagayak na si Ate Lyn papasok sa trabaho.

"Good morning po, Ate Lyn!" Maligayang bati ko sa kanya.

Nakangiti siyang bumaling sa akin para bumati. Siya pa ang nagbukas ng gate para papasukin ako.

"Papunta na ako sa trabaho, Lae. Pasukin mo na lang siya ah? Nasa kwarto niya 'yon." Nakangising sabi niya bago siya lumabas sa gate.

Nakangiti akong tumango sa kanya. Hinintay ko muna siyang makaalis at mawala sa paningin ko bago ako nagdesisyong pumasok sa loob ng bahay nila.

Inilapag ko saglit ang plastic na may lamang tinapay sa dining table bago ko mabilis na tinungo ang kwarto ni Christian. I knocked twice before I opened it. Hindi na siya sumagot. Busy siya sa pagguhit sa kanyang drafting table kaya tahimik ko siyang nilapitan.

"I know it's you. Naaamoy ko ang pabango mo hanggang dito." Sabi niya ngunit patuloy pa rin siya sa pagguhit.

Lumabi ako. Sabi ko nga surprise eh. Kung alam ko lang sana, hindi na ako gumamit ng baby cologne!

Lumapit ako sa kanyang likod at maingat na ipinulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg. I hugged him from there. Iniwas kong matamaan ang braso niya lalo na yung may hawak na pangguhit dahil baka magkamali siya.

Napansin ko ang ginuguhit niya. Bahay ba 'to? Ang laki ah.

"Para saan 'yan? Tumanggap ka na naman ba ng raket?" Tanong ko dahil kung minsan, tumatanggap siya ng mga paid works para magka extra income.

"Hindi..." malumanay na sagot niya. Tinapos niya lang iguhit ang huling linya bago niya ako nilingon. "Bahay natin 'to."

Nangunot ang noo ko. Hindi agad nakapagsalita dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. Bahay namin? Nagdi-disenyo siya ng bahay namin?

"Balang araw, ipapatayo ko ito para sa atin." He said dreamily.

Thinking that he's only kidding, sinakyan ko ang usapan. "Ang laki naman niyan. Tayong dalawa lang naman ang titira 'di ba?"

Binitawan niya ang panulat at tuluyan na akong nilingon. Napabitaw na rin ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Magkakaroon tayo ng mga anak, Lae."

"Ano?" Namimilog ang mga mata ko dahil sa mga sinasabi niya. "Anak?" Ibinalik ko ang mga mata ko sa drawing sa drafting table bago ko ibinalik sa kanya.

"Siyempre. Kapag ikinasal na tayo, diyan tayo titira. Magkakaanak tayo, love." He smirked. Tumayo siya at hinalikan ako sa aking pisngi. "Gusto ko ng marami." Bulong niya.

Literal na napaatras ako mula sa kinatatayuan ko, sa mismong harap niya. Napansin ni Christian ang bahagyang paglayo ko kaya agad niyang iniyakap ang isang braso sa aking likod.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon