Lae
"Gago 'yon ah—" mura ni Joshua, akmang tatayo at tingin ko'y pupunta sa grupo nila Chris.
"Joshua!"
Maagap siyang pinigilan ni Paul Luis. Mahigpit niyang hinawakan ang braso nito bago pa siya nakalabas sa kubo. Nagkatitigan silang dalawa, nangungusap ang mga mata habang malalim ang paghinga ni Joshua.
I gulped. Para akong nasuntok sa dibdib dahil sa kabang nararamdaman ko. Nakakaamoy ako ng away. Joshua's soft and carefree. Hindi siya ang tipo ng taong kayang gumawa ng gulo pero sa mga ikinikilos niya ngayon, para siyang ginalit na tigre na handang makipaglapaan sa kaaway.
Mas malaki at matangkad si Paul Luis kaysa sa kanya kaya napigilan siya agad. Sinubukang pumiglas ni Joshua sa mga hawak niya pero hindi siya nito hinayaang pakawalan.
"Joshua, kain na lang tayo." Ani ko dahil kahit naghuhuramentado na ang isip ko sa nakita kanina, ayokong madawit ang mga kasama ko kung sakaling magkagulo man sila ngayon.
Ayoko ng away. Ayoko ng gulo. I'd rather stay silent than to confront anyone...right now.
Kumalas si Joshua sa pagkakahawak ni Paul sa kanya. Hinayaan niya lang ito dahil mukhang kumbinsido namang hindi na niya pupuntahan ang kabilang grupo.
Nagsimula kaming kumain. Ramdam ko pa rin ang tensyon sa aming tatlo. Ako, na sobrang lungkot, si Joshua, na nagpipigil na sugurin at komprontahin si Christian, at si Paul, na nagmamasid sa mga ikinikilos ng naming dalawa.
I will ask Christian about this. Hindi ako mapapanatag sa kakaisip kung ano'ng nangyayari. Galit ako. Nagseselos ako. Pero ayokong pangunahan ako ng emosyon ngayon dahil kasama ako ang mga kaibigan ko.
"Gusto ko ng softdrinks." Mahinang usal ko.
Tumikhim si Joshua at saka binitawan ang kubyertos na hawak niya. Ganoon din ang ginawa ni Paul kaya napaangat ako ng tingin sa kanilang dalawa.
"Sige kukuha ako." Presinta ni Joshua.
"Kuha rin ako ng ice." Sabat ni Paul.
Ngumiti ako at saka tumango. "Hihintayin ko kayo rito."
Sabay silang nawala sa paningin ko ng pumasok sila sa loob ng panciteria. Pinagpatuloy ko ang pagkain. Mabagal. Halos hindi ako makanguya dahil tumitigil ang bawat kilos ko sa mga naiisip.
Ito ba 'yong birong sagot ni Joshua sa akin kanina? Na may babae siya?
Ayokong mag-overthink. Nakakabaliw. Ayokong mag-isip agad ng konklusyon pero papatayin naman ako ng matinding pag-iisip kung sino ang babaeng humawak sa braso niya.
Baka naman...kaibigan lang niya?
I shook my head. Sino'ng niloloko ko? By looking at that woman, I know she likes him. Mukhang enjoy na enjoy din sa pakikipag-usap ang boyfriend ko dahil masyado siyang attentive sa babaeng kausap. He laughs at her jokes and never looked away.
Naisip ko, when was the last time we talked like that? Parang hindi ko na maalala kung kailan. Gano'n na yata katagal dahil hindi ko matandaan.
Pinilit ko ang sariling kumain. I don't want to spoil our bonding. Ngayon nga lang ulit kami nagkasama-sama, sisirain ko pa dahil sa nangyari. I can just enjoy my time with my friends and sulk later.
"Lae?" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.
Nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Standing in front of me is Christian. Mataman niya akong pinagmamasdan bago nalipat ang paningin sa mesa.
His brow shot up. I know what's running on his mind. Alam niyang may mga kasama ako.
Hindi katulad ng mga pagkakataong nagagalak at namamangha ako sa tuwing nakikita ko siya unexpectedly, ngayon ay walang gana akong tumugon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...