CHAPTER 32

95 5 0
                                    

Lae

Napadilat ako mula sa malalim na pagtulog. Medyo mabigat ang pakiramdam ko dahil naparami kami ng inom ni Nina. We didn't even managed to go to the bedroom and decided to sleep in the living area. Anyway, the large sofa is comfortable at kahit mag-inat pa ako ay makakatulog pa rin ako ng maayos.

Napanaginipan ko na naman ulit ang halik na iyon. My first magical kiss.

I smiled. Sa tuwing nalulungkot ako, ang mga alaala namin ni Christian ang awtomatikong tumatakbo sa utak ko. It kept replaying everytime something or someone triggers to my memories with him. It's like a fuel that can keep me going despite how lonely I am.

Kahit alam kong wala ng kami at...alam kong wala na akong babalikan.

Bumangon na ako at inayos ang buhok kong sumabog sa mukha ko. I started cleaning our mess. Pinagsalikop ko ang mga plastic ng chips at ang mga baso namin, kasama ang bote ng wine na inubos namin kagabi. Dinala ko lahat iyon sa kusina. Ang huli ay ang mga throw pillows na wala sa ayos.

I went to the comfort room to fix myself first. Mamayang gabi pa ang duty ko pero I have to attend some errands. Isa pa, inaasikaso ko rin ang pagfile ko ng leave sa ospital na pinagtatrabahuan ko.

After almost six years, I decided to go home.

Kinuha ko ang sling bag ko at isinukbit iyon sa aking katawan. Niyugyog ko si Nina para makapagpaalam na.

"I'm going, Nina." Ani ko.

She only groaned and renewed her position to get more sleep. Naiiling akong iniwan siya roon at tinungo na ang rack para kunin ang trench coat ko. Bago ako lumabas, sandali ko pang tiningnan ang kaibigan bago ko siya tuluyang iwan doon.

Hindi na ako sumakay ng cab. Umaga na rin naman at hindi naman ako nagmamadali. It's still snowing outside. Nilakad ko na lamang ang apartment na tinutuluyan ko. I solely own the place. Kung tutuusin, pwede pa akong tumanggap ng ilang boarders dahil dalawang kwarto pa ang bakante roon. Dagdag ko rin sana sa income ko pero naisip ko rin na mas gusto ko 'yong mapag-isa ako.

I changed a lot. Big time. Kung dati, gustung-gusto kong nakikipagkaibigan sa lahat ng tao sa paligid ko, ngayon, I prefer being alone and keep a small circle of friends.

I checked my mails as I approached the entrance door of my apartment. Wala namang importante roon maliban sa mga due dates ng bills, credit cards, at insurance. Inilapag ko lang iyon sa mesa at dumiretso na sa kwarto ko para makapagpahinga.

Pasalampak kong inihiga ang sarili sa malambot na kama. This is so relaxing. After a long, tiring walk plus a bit hangover, wala akong ibang gustong gawin kundi ang matulog sa sarili kong kama.

"Kaunting idlip pa. Aagahan ko na lang ang pagpunta mamaya sa ospital." Kumbinsi ko sa sarili ko bago ako tuluyang hinatak ng antok at pagod.

I can vividly see the vast cornfield around me. Sa harap ng kubo na ito ay ang maliit na ilog. Mukhang mababaw lang sa iilang parte kaya doon kami maligo mamaya.

Matiyaga akong naghihintay sa kanya habang tanaw ko siya sa malayo habang hinihila niya ang isang baka at dinala sa lilim ng puno. Iniwan niya ako ritong nagwawala ang puso at walang imik dahil sa mga halik niya.

Oo. He left me another swift kiss when he's about to go. Nakailang hakbang na siya palayo sa kubo ng lingunin niya ako. Tahimik lang ako sa paglayo niya, hindi makapagsalita dahil masyadong abala ang utak ko sa pagproseso ng nangyari at sa nararamdaman ko.

Ganito pala ang nahalikan sa unang pagkakataon. It was surreal. Literal mong nakakalimutan ang huwisyo sa sandaling pagkakataon. Na kahit mabilis lang iyong nangyari, paulit-ulit lang iyong umiikot sa utak ko.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon