CHAPTER 1

216 6 0
                                    

Lae


Ilang minuto rin akong nakatambay sa isang food cart malapit sa parkingan ng mga tricyle pauwi sa kanila. Alam kong hindi rin naman iyon magtatagal dahil oras na rin naman ng uwian. At saka sinadya kong magpatiuna dahil ayokong may ibang makakita sa amin na mga kaklase ko.

Tumuwid ako sa pagkakatayo nang matanaw ko na siya palabas ng gate kasama ang mga kaibigan niya. He's tall and has a good body built. Kaya kahit hindi siya mag-effort ay agaw pansin ang tangkad niya sa madla. Dinig ko nga noon ay tumutulong pa siya sa farm nila kapag walang klase, sabi nang isang classmate namin dating taga roon din sa kanilang barangay.

I readied myself. Tumikhim ako at inayos ang aking uniform. Kasabay noon ay ang simpleng pagsuklay sa aking buhok gamit ang mga daliri ko. Kahit ang simpleng pagdama ko sa mukha ko kung oily na ba iyon ay hindi ko pinalampas.

Why am I suddenly becoming conscious with my looks?

"Chistian!" tawag ko sa kanya nang makalapit na siya sa tricycle na sasakyan niya pauwi.

Luminga-linga pa siya dahil hindi niya ako agad nakita. Inulit ko ang pagtawag sa kanya at saka itinaas pa ang aking kamay. Nang matanaw niya ako ay nangungunot ang kanyang noo.

Nakangiti pa ako nang tuluyan akong makalapit sa kanya.

"Hi!" Bati ko.

Lumingon-lingon siya ulit bago niya ako hinarap. "Ano'ng kailangan mo?" malamig na tanong niya sa akin.

My lips parted when I heard what he said. I knew that he's the silent type. I only had few encounters with him simula noong nag high school ako at masasabi kong hindi nga siya palakibo. Pero hindi ko sukat akalaing ganito siya ka prangka.

I tried my best again and smiled at him sweetly. He just gave me an impassive look.

"Hindi kita sinungitan kanina sa canteen, ah? Baka lang iniisip mong ganoon ako." Ani ko.

"Hindi ko iniisip 'yon." Sagot niya.

Tumango ako habang nakangiti pa rin. "Congratulations nga pala."

I handed my hand for a handshake. Hindi naman siguro masama ito, 'di ba?

Tiningnan niya lamang iyon nang ilang segundo. Habang tumatagal ay nakakaramdam na ako ng pagkapahiya dahil hindi niya iyon tinatanggap. Unti-unti na ring namumuo ang inis sa loob ko.

Why can't you just accept it nang matapos na ito?

"Christian! Halika na!" sigaw ng isang pasahero na kasama niya. Pareho naming nilingon iyon habang nakalahad pa rin ang kamay ko sa harap niyan.

Kita ko ang bulung-bulungan nila nang mapansin kung sino ang kausap niya. Nagsikuhan pa sila, marahil ay dahil sa kakulitan sa pagtawag sa lalaking kausap ko ngayon.

Sa inis ko ay ako na mismo ang kumuha ng kamay niya at saka inis na nakipagkamay sa kanya. It made him face me again. Tiningnan niya ang mga kamay naming magkahawak. Nang bitawan ko iyon ay saka ako naglitanya.

"Ano ba 'yan! Handshake lang, hindi mo pa maibigay!" inis na bulalas ko.

Muli kong narinig ang pagtawag sa kanya ng lalaking iyon. Aalis na rin sana ako dahil hindi ko na kaya ang pang-isnob niya sa akin pero muli siyang nagsalita.

"Alis na kami." Aniya ngunit hindi pa rin siya gumagalaw, tila hinihintay pa ang isasagot ko sa kanya.

Sa sobrang inis na nararamdaman ko ay tanging paglabi lamang ang naisagot ko. Hindi ko na maitago ang sobrang pagkadismaya dahil sa asal niya sa akin. Hiyang-hiya ako sa mga oras na iyon.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon