CHAPTER 36

94 3 0
                                    

Lae

Tahimik kaming nakaupo ni Christian sa pandalawahang upuan ng ordinary na bus. Kanina pa siya hindi umiimik. Hawak lang niya ang kaliwang kamay ko pero hindi niya ako kinakausap. Sinubukan kong magbukas ng topic na pwede naming pag-usapan pero paisa-isa lang ang sagot niya sa akin.

He's obviously dismissing me.

Hawak ko ang plastic cup gamit ang kanang kamay ko. Inuunti-unti ko ang pagsipsip sa milk tea at pagnguya ng pearls para may mapagtuunan ako ng atensyon habang nasa byahe kami. Hindi naman niya ako kinakausap kaya ito na lang ang pinagdiskitahan ko.

Nang wala na akong masipsip na inumin, inangat ko ng kaunti ang plastic cup at nakitang ice na lang ang laman no'n. Bumitaw ako pagkakahawak ni Chris sa kaliwang kamay ko para buksan ang lid ng cup pero humigpit ang hawak niya sa'kin, ayaw pakawalan ang kamay ko.

"Bakit?" He asked icily.

"Ngunguyain ko 'yong ice." I said.

He sighed and release my hand. Agad kong binuksan ang lid at inisa-isang isinubo ang ice chips. This is so satisfying. Gustung-gusto ko kasi ng maraming ice sa inumin dahil paborito kong ngatngatin sa huli ang yelo nito.

"Hmm, bitin." Mahinang usal ko.

Naramdaman ko ang pagdantay ng kanang braso niya sa balikat ko. Gusto niya akong yakapin. Inayos ko ang pagkakaupo ko para maging kumportable at pagbigyan na rin ang gusto niyang mangyari.

"Gusto mo pa? Daan tayo sa mall mamaya?" Masuyong tanong niya sa akin habang hinahawi ang iilang takas na buhok sa mukha ko.

Umiling ako. Inayos ko ang plastic cup at isinilid sa paper bag ko. Sa bahay ko na lang ito itatapon.

"Hindi na. Too much sugar na eh."

He nodded. Hinawakan ng kanyang libreng kamay ang kaliwang kamay ko at masuyo iyong minasahe. May minsan isinasandal niya ang kanyang baba sa aking balikat at saka bubuga ng malalim na hangin.

"Ba't tahimik ka?" I said in my most sweetest voice. Hindi ko pa 'to kailanman nagagawa sa iba. Sa kanya lang.

Bumuntong-hininga siya at isinandal ang pisngi niya sa aking balikat.

"Bakit magkasama kayo ni Joshua kanina?" Mahinang usal niya.

"Nagyaya siyang kumain kanina pagkatapos ng exam namin."

"Madalas ba kayong magkasabay kumain?"

Tumaas ang kilay ko. "Oo." Inabot ko ang kanyang pisngi at marahang hinaplos 'yon. "Bakit?"

He sighed again. Isiniksik niya ang mukha niya sa aking balikat at nagsalita. I can't understand what he said because his voice muffled in my shoulder.

Lumayo ako

"Ano'ng sinabi mo?"

Umiling siya. Ayaw magsabi ng totoo. Mas gusto niyang ikulong ang mukha niya sa balikat ko kaya hindi ko na rin siya kinulit pa.

Inihatid niya muna ako sa amin. Pero sa isang sulyap lang, alam kong walang tao sa loob ng bahay.

Oo nga pala! Hindi ko natawagan si Manang Lusing!

"Wala yatang tao." Sabi ni Christian.

Tumango ako habang dina-dial ang number ni Manang. "Hindi ko siya natawagan kanina." Nang marinig kong mag-ring ang kabilang linya, agad akong naghanda sa pagsagot.

"Hello, Lae?" Si Manang.

"Manang, nasaan ka po? Nandito po ako sa harap ng bahay. Naka- lock po kasi ang gate."

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon