Lae
Tulad ng unang naging plano, maaga akong gumayak para sa susunod na shift ko. Dadaan pa kasi ako sa opisina ng supervisor ko para mag-file ng leave. I haven't used my leaves that's why it accumulated for the past years.
Balak kong umuwi sa Pilipinas at manatili roon ng ilang buwan. Aasikasuhin ko ang mga dapat asikasuhin bago ako muling bumalik dito sa Amerika.
Masinsinan ang naging pag-uusap namin ng matandang bisor. Ayaw niya pa akong payagan sa hiling kong apat na buwan. Aniya'y walang kayang pumalit sa akin ng ganoon katagal. I reasoned my unused leaves and exemplary performance for the past years. Tuwing day off lang ako hindi nagtra-trabaho at ang mga vacation leaves ko ay hindi pa nagagalaw. Kahit nga may sakit ako, pumapasok pa rin ako sa trabaho. Ganoon ako ka-dedicated sa propesyon ko.
Pero sa huli, tatlong buwan lang ang na-grant sa akin. Sa bagay, hindi na rin masama.
Pagkatapos ng panggabing duty ko sa hospital, dumaan ako saglit sa isang coffee shop bago umuwi sa apartment.
Sa huling linggo ng Enero ang flight ko. Nagbook na ako pagkauwi ko. Unang linggo pa lang ng January pero dahil mabilis lang ang panahon, aagahan ko na ang pagiimpake. Baka mawalan ako ng oras para roon at ayokong mag-ayos ng nagmamadali.
Nalingunan ko ang cellphone kong tumutunog na nakapatong sa bedside table ko. I took it to check who's calling. Nangiti ako nang malaman ko kung sino 'yon.
"Hatinggabi na diyan ah? Ano'ng ganap niyo?" 'Yon ang bungad ko sa tumawag.
Narinig ko ang malakas na halakhak ng tumawag. May tunog ng musika akong naririnig sa background. Parang may okasyon?
"Ikakasal na si Aby! Nag-propose na si Lloyd sa kanya!" Medyo malakas ang pagkakasabi niya dahil kung hindi, music lang ang maririnig ko.
Natigil ako sa pagtutupi ng damit at maluwag na nangiti! Gulat at excited akong tumili ng marinig ang magandang balita. Sinaway ako ng lalaking kausap ko pero hindi ako nagpapigil!
"Let's video call!" Pagyaya ko sa kanila na pinaunlakan nila.
Unang bumungad sa akin ang nakakalokong ngisi ni Paul Luis sa screen ng cellphone ko. Itinaas niya ang cellphone niya para makita ko ang paligid. Pansin ko ang mga maliliit na bumbilya na nakasabit. May mga pictures din na naroon at mga bulaklak na maayos na nakadisplay.
"Nasaan ang bride-to-be?!" Excited kong tanong.
Narinig ko ang matinis na boses ni Aby na mukhang papalapit kay Paul. Medyo gumulo ang pagkakahawak nito dahil narinig kong nag-aagawan sila sa cellphone.
"Lae! I'm getting married!" At saka siya tumili. Ipinakita niya ang kanang palasinsingan niya kung saan nakasuot ang engagement ring.
"I'm so happy for you!" Nangingiting sabi ko.
"Kaya umuwi ka sa kasal ko ah?"
I chuckled. "Kailan ba?" Hamon ko.
Nawala sa screen si Aby. Inagaw pala kasi ni Paul ang cellphone sa kanya. Lumabi ako dahil inokupa ng buong mukha niya ang screen.
"Uuwi ka ba?" Seryosong tanong niya.
Tumawa lang ako. Hindi ko siya sinagot. Instead, itinutok ko ang camera ng cellphone ko sa maletang kasalukuyan kong inaayos.
"Hoy uuwi nga siya!" Sigaw ni Paul sa ibang kasama.
Sumingit si Aby sa screen. "Kailan?! Susunduin ka namin!"
"Last week ng January. Huwag niyo na akong sunduin. Inter-connecting flight ang naibook ko. Saka meron naman si Papa."
"Kahit na! Susunduin ka pa rin namin!" Pilit ni Aby na sinundan niya ng pagbusangot ng mukha.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...