CHAPTER 26

96 3 0
                                    

Lae

Binundol ng kaba ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin ni Christian. My mind quickly think for an alibi, saying that he just went here to return a book that he borrowed to me before.

I know that I'm lying but I am not ready to let everyone know about us.

Pero bago pa ako makapagsalita, inunahan na ako ni Christian. He glanced at Paul before he speaks.

"Binista ko siya, Paul. May pinagusapan lang kami." Aniya bago niya inilipat muli ang tingin sa akin.

"Oh?" Ramdam ko ang matinding pagtataka ni Paul sa pangungumpirma niya.

Nalipat ang mga titig ko kay Paul. Tiningnan niya rin ako bago bumaba ang mga mata niya sa hawak ko na Scrabble.

His brow arched, mukhang hindi kumbinsido sa naging sagot ng lalaking kanina ko pa kasama.

"Paul!" Sigaw ni Papa mula sa labas ng bahay.

Para akong natanggalan ng bara sa lalamunan nang nakawin ni Papa ang mapanuring atensyon niya sa amin. I glanced again at Christian. Kung kanina, may halo iyong pagaalala, ngayon, he's smiling at me like assuring that I should be okay.

"Po?" Sagot ni Paul. Napatayo siya ng makita niyang papalapit si Papa sa amin.

Inabot niya ang isang itim na pouch. "Ibigay mo sa tatay mo. Bagong tools ng motor. Regalo ko sa kanya."

"Uy! Thank you po!" Malapad na ngiti ang isinukli niya rito.

"Ihanda niya kamo ang mga bote ng alak niya at itutumba namin bukas!" At saka rin siya humalakhak.

"Aasahan ko po kayo ah?"

"Oo! Pupunta kami!"

Nagpalitan pa sila ng ilang biruan bago siya tuluyang nagpaalam sa amin. Hinatid siya ni Papa hanggang sa labas kung saan nakapark ang motor niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Christian sa sala.

"Okay ka lang ba? You seem worried." Agad kong tanong pagkatapos kong maupo sa single couch malapit sa kinauupuan niya.

Umiling siya. "Nag-alala ako sa'yo. You told me not tell anyone about us. Ayokong mangamba ka." Sagot niya.

My lips parted. Buong akala ko kanina, ang pag-aalalang bumalatay sa mukha niya ay para sa kanya. Na baka kinakabahan siyang mabuking na wala siyang gusto sa kaibigan namin.

Pero nagkamali ako.

"Wala naman akong pakialam kung malaman nila na sa'yo ako may gusto, Lae." Dagdag niya.

Natigil ako sa paglalatag ng mga tiles ng scrabble. Heto na naman ulit siya sa walang preno niyang bibig. I wonder how he managed to be aloof and silent in school pero kapag kaming dalawa lang, nawiwindang ako sa mga binibitawan niyang salita.

"You're very vocal to what you feel towards me. I wonder if it's true." I mocked him and continued laying the tiles on the center table.

Hinablot man niya ang kaliwang kamay ko para makuha ang atensyon ko, he took it gentle and lightly. Medyo nagulat lang ako sa bilis ng kilos niya.

"Siyempre, totoo!"

Tumaas ang kilay ko. "Talaga? You're just infatuated. Bata pa tayo, Chris. Madaling magbago ang nararamdaman natin. You may like me now but sooner or later, magsasawa ka rin."

"Tss." He shook his head and chuckled. "Crush na kita no'ng 1st year tayo. 3rd year na tayo ngayon, ikaw pa rin. Kaya hindi ako naniniwala diyan sa sinasabi mo." Tahasan niyang pagtutol sa sinabi ko.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon