CHAPTER 14

106 4 0
                                    

Lae


Inagahan ko ang pasok kinabukasan para makapaglinis ako sa designated spot ko. Kailangan ko pang bumuo ng anim na oras para matapos na ako sa community service ko. Dahil ayokong may masagasaan akong subject habang nagre-render, pinili ko ang pumasok ng mas maaga at magpapahuli ng uwi para roon.

Bago mag alas sais ng umaga, nasa school premises na ako. Kahit ang gwardya, gulat na gulat sa maagang pagpasok ko. Binati niya ako at ngumiti lang ako sa kanya pabalik. I have to get hurry dahil alas siyete ng umaga ang flag ceremony namin.

Pumunta na ako sa botanical garden dahil ito ang isa sa mga areas na kailangan kong linisan. Kumuha lang muna ako ng cleaning materials sa stock room para makapagsimula na sa paglilinis. Pero bago pa ako magsimulang magwalis sa madahon na parte ng garden, nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang banda.

Bigla akong natigilan. Hindi ako gumawa ng ingay at pinakinggan ko ulit kung saan nanggagaling ang ingay. Nang may marinig akong kalampag, narinig kong galing din iyon sa stock room.

Binalot ako ng takot dahil sa naririnig. Luma na ang campus at laman din iyon ng mga kwentong kababalaghan na pinagpasa-pasa. Mula sa kwento ng mg gwardya tungkol sa mga nakikita nilang white lady kapag rumoronda sila sa gabi hanggang sa isang kwento ng janitor kung saan naririnig niyang may nag-iingay sa science lab. At maging dito sa botanical garden, mayroon din silang nakakatakot na kwento.

The campus is quite old now. Fifty-five years to be exact. Inabutan pa nga ito ni Papa, eh. Dito rin siya nag-highschool. Kaya hindi ako magtataka kung totoo nga ang kumakalat na usap-usapan tungkol sa mga multo.

"Sino 'yan?" matapang na tawag ko sa kung sino'ng naglilikot sa maliit na stock room na iyon...o kung tao nga ba ang sinusubukan kong kausapin.

Mahigpit ang hawak ko sa walis tingting at dustpan. Malalim ang paghinga ko't kumakabog nag puso ko dahil sa pinagsamang takot at kaba. Magkaganun pa man, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob pero...unti-unti na akong lumapit sa maliit na silid na iyon.

"Hoy! Sino 'yan?" sigaw ko roon. Tumigil ang mga kaluskos na naririnig ko.

Tumayo ang mga balahibo ko dahil sa takot. Handa na akong tumakbo palayo roon nang may makita akong anino ng isang tao na palabas mula sa pintuan.

Hawak ang walis tingting at dust pan, umatras na ako at handa nang kumaripas ng takbo. Naiiyak na ako sa takot! Hindi na talaga ako uulit na pumasok ng ganito kaaga!

Pagkatalikod ko, narinig ko ang isang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

"Lae?"

I was halted! Kasabay no'n ay ang pagkagulat na bumuhos sa aking pagkatao. Pero nang ma-realize ko kung sino iyong nagsalita, agad akong lumingon.

What the heck!

"Ano'ng ginagawa mo rito?" dagdag niya.

I sneered with so much annoyance! Mabilis na kumalat ang matinding inis sa akin. Hawak ang tingting sa kanang kamay, I aimed to throw it to Christian with full force!

"Gago ka!" I cursed angrily! Hindi ko napigilan ang makapagmura.

Imagine my unfathomable fear when I thought it's a ghost I'm dealing a while back! Kulang na lang, magtitili ako para may makapansin sa akin dahil sa mga ganitong oras, alam kong ako pa lang ang estudyanteng naroon sa school.

Iniwasan niya ang binato kong tingting at nang tingnan niya ako, nanlaki ang kanyang mga mata! Agad niya akong nilapitan dahil walangya, I maybe overreacting but my tears fell uncontrollably!

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon