CHAPTER 45

104 6 4
                                    

Lae

Tahimik kaming dalawa habang binabaybay namin ang daan pauwi sa amin. Ipinaalala ko sa kanya na sa amin na siya mag-dinner na pinaluguran naman niya.

"Okay ka na?" He asked nang mapansin niyang hindi ako masyadong umiimik.

Sinulyapan ko siya at saka ngumisi. Tumango ako. I have to look okay. Sigurado akong mapapansin nila sa bahay ang itsura ko. Sinulyapan ko ang sarili sa salamin. Medyo namamaga na ang mga mata ko dahil sa matinding pag-iyak kanina. Pwede kong lagyan ng concealer pero gabi na. Hindi bale, iiwasan ko na lang kung sakaling magtanong sila sa akin.

Pumasok kami ni Paul sa loob ng bahay. Nadatnan pa namin si Patricia na nagdo-drawing gamit ang mga art materials na inuwi ko para sa kanya. Ang doll house naman at ang mga manika niya'y maayos na nakatabi sa lalagyan ng mga laruan niya.

Wow. She really knows how to fix her things. Very organize and neat.

Just like his father.

"Laelae! Look! Halika!" Hila niya sa akin papunta sa sala.

Nagpatianod ako sa paghila niya sa akin. Kasunod ko naman si Paul Luis. Mula rito sa sala, amoy na amoy ko ang nilulutong adobo ni Manang Lusing.

Inabot sa akin ni Patricia ang papel kung saan siya gumuhit ng isang cartoon character na madalas niyang panoorin sa TV. Napanganga ako sa galing niyang gumuhit. Para sa edad niya, hindi ko inasahang ganito ka-detalyado ang mga drawings niya.

"Ang galing mong mag-drawing ah?" Puri ni Paul sa kanya ng abutin niya mula sa akin ang papel na hawak ko.

"Tito Paul! Ano po gusto niyong idrawing ko?" Makumpyansang tanong nito kay Paul.

"Gusto ko i-drawing mo ako! Dapat pogi ah?"

Natatawang tumango si Patricia sa kanya. "Opo!"

I shook my head. Ang galing makipagkulitan ni Paul sa kanya. Nahuhuli niya agad ang kiliti nito. Actually, si Paul at Aby lang ang kinuha kong ninong at ninang niya pero sa kanilang dalawa, mas malapit si Patty kay Paul.

Hinalikan ko si Patricia sa kanyang noo at saka inayos ang nagulong buhok niya. Kinuha ko ang panyo ko para punasan ang namumuong pawis sa gilid ng kanyang ulo at leeg. She's really cute. Hawig na hawig ko.

Maliban lang sa ilong. Prominente ang matangos niyang ilong. Bumagay iyon sa hugis ng kanyang mukha.

"Kakain na!" Tawag sa amin ni Manang Lusing.

Sabay-sabay na kaming pumunta sa dining area pagkatapos ayusin ni Patty ang mga art materials na ginamit niya. Pero pansin kong wala si Papa.

"Manang, si Papa?" Takang tanong ko.

Hindi kasi siya nagsabing may pupuntahan kaya ang naiisip ko ngayon ay baka hindi pa siya natatawagan.

"Na kila Isko. Mauna na raw tayong maghapunan dahil matatagalan daw ang pag-uusap nilang dalawa." Sagot ni Manang.

Paul Luis scoffed. "Huwag mo ng hintayin si Uncle Henry dahil matagal-tagal ang session. Baka hatinggabi na naman 'yon makakauwi."

Tinapik ko ang braso niya. "Kapag hindi na niya kayang magmaneho, ihatid mo rito ah?" Pinandilatan ko siya.

"Yes, boss!" Sagot niya.

We enjoyed the sumptuous food served for everyone. Hindi lang isang ulam ang naroon, may monggo rin at ibang tirang ulam na naluto kaninang tanghali. Naglambing si Patricia kay Paul nang mag-request ang una na ipagbalat siya nito ng shrimps.

"Patty, kaya mo na 'yan. Maiistorbo si Tito Paul sa pagkain." Malumanay kong saway sa kanya.

Patricia pouted and gave her Tito Paul some puppy-eye stares. Natawa kami sa itsura niya. Napaka-cute! Kaya ang nangyari, walang nagawa ang ninong kundi ang sumuko sa paglalambing nito sa kanya.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon