Lae
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He's looking at me intently. Tila inoobserbahan ang magiging reaksyon ko sa kanyang regalo.
"Bakit 'calm'?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Sinagot niya ako nang hindi napuputol ang tingin niya sa akin.
"Christian. Anthony. Lae. Margarette." Tanging sagot niya.
Agad kong nakuha ang ibiga niyang sabihin. Our initials. Nakabuo ng isang salitang tingin ko'y espesyal sa kanya.
"Bakit? Ako ba ang nagpapakalma sa'yo?" Tudyo ko.
He smirked bowed down his head for a while. I chuckled and saw him looked up at me again. Lumitaw ang mga biloy niya sa kanyang pisngi nang ngumiti siya sa akin.
"You'll know soon." Sagot niya at inabot sa akin ang bracelet na hawak ko.
Marahan niyang hinila ang kaliwang kamay ko. Hindi siya nangahas na tumayo para tumabi sa akin. Sa pagitan ng distansya naming dalawa ay may isang maliit na lamesita. Kaya nang hindi niya ako maabot ng husto, tumayo siya roon at saka mabilis na isinuot sa akin ang bracelet.
Itinaas ko ang bisig ko para tingnan iyon. It fit perfectly on my hand. Isang simpleng silver chain bracelet na may nakakabit na letra sa gitna nito.
Naalala ko ang keychain na nakita ko sa bulsa ng sweater niya noon. 'Calm' din ang salitang naka-customized doon. Ganoon din ba ang ibig sabihin no'n?
Pumasok si Ate Lyn sa loob ng bahay. Nadatnan niya kaming ganoon ang ayos. Ngumiti siya sa akin bago inilipat ang mga tingin sa kapatid.
"Ton, kailangan na nating umuwi. Papunta na sa bahay si Ronald. Sa atin daw siya magpapasko."
Tuluyan na akong napatayo dahil anumang oras ay aalis na sila. Tumuwid din sa pagkakatayo si Christian at tumango lang sa ate niya.
"Salamat pala sa paganyaya niyo sa amin ah?" Ani Ate Lyn.
Ngumiti ako at saka tumango. "Salamat din po sa pagpunta, Ate Lyn."
Mahina siyang humalakhak. "Madalas kang ikwento ng kapatid ko kaya—-"
"Ate!" Saway ni Christian sa kanya.
I looked at him with so much amusement. Kanian, sobrang tapang niya nang sagutin niya si Papa ng ganoon. Sa edad namin, pakiramdam ko, walang lalaking maglalakas ng loob na sumagot ng ganoon sa magulang ng nagugustuhan nila. Ang iba pa nga'y patago pang nakikipagrelasyon. Pero siya, hindi ko naman pinayagang manligaw pero malakas pa rin ang loob na humarap kay Papa.
But looking at him now, nahihiya siyang ibuking ng ate niya!
Nagpatuloy si Ate Lyn. "Alam mo ba Lae, nag-aral ng husto ito para mapantayan ka't mapansin—-"
Pinutol ulit siya ni Christian. "Ate naman...baka 'di na niya ako kausapin."
Ate Lyn smirked and shook her head once. Hindi na nga niya tinapos pa ang sasabihin at sa huling pagkakataon, magalang siyang nagpaalam sa akin.
"Ay sandali! May ibibigay din ako sa'yo!" Pigil ko sa kanila nang maalala ang regalong binili ko para sa kanya.
Mabilis akong pumanhik paakyat sa kwarto ko. Narinig ko ang pahabol na bilin ni Christian na mag-ingat sa hagdanan pero hindi ko na iyon pinansin pa. I know that Papa's talking to someone sa may balkonahe. Hindi ko lang kilala kung sino.
Dahil sa pagmamadali, pabalya kong binuksan ang pintuan ko para kunin ang regalo. Paglabas ko, hindi ko man sinasadya, dahil sa medyo napalakas ang boses ni Papa, ay narinig ko ang sinabi niya sa kanyang kausap sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...