Lae
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. I felt guilty. Dahil siguro sa pagsabi ko sa kanyang siya ang nabunot. Siya naman talaga eh. Pero habang iniisip kong siya rin ang nakabunot sa pangalan ko, sobrang natuwa ako.
Ano 'yon? Destiny?
Natawa pa ako sa naisip. Kinilig at the same time. Namamangha na sa mga ganitong pangyayari, posible palang mapasaya ako ng mga ganitong senaryo.
Kinuha ko ang paper bag na inabot niya sa akin. Excited akong buksan 'yon. I can see from my peripheral vision that he's looking at me while unboxing his gift.
Kaso...
Nang makita ko ang laman no'n, hindi ko alam kung bubunghalit ako sa tawa o madi-disappoint.
Nilabas ko ang laman no'n. Isang plush octopus!
Pareho kami ng regalo sa isa't-isa!
Ang pinagkaiba lang, kulay yellow ang iniregalo niya sa akin. At sa isa sa mga pabilog na tentacles niya, nakaburda ang pangalan ko.
'Lae'.
I chuckled in amusement. Ganito pala talaga kumilos ang tadhana. Nakakatuwa kung iisipin. Ang mga pangyayari sa amin, in sync! At...aaminin kong...nagustuhan ko ang nangyayari. Parang sinasadya nga kung tutuusin, eh. Pero hindi. It was destiny who worked for it!
"Hindi mo ba nagustuhan?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
Nilingon ko siya habang hawak ang plush octopus.
"Nagustuhan, siyempre. Salamat ah?" nakangiting sabi ko sa kanya.
Ibinalik ko ang tingin ko sa hawak ko at sandaling hinawak-hawakan ang pangalan kong nakaburda sa pabilog na tentacles nito.
"Iingatan ko 'to." Wala sa loob kong sinabi sa kanya.
Totoo naman. Iingatan ko ito. Ang galing din kasi. Paborito kong kulay ang kinuha niya. Yellow.
"Pero...ba't ka natawa?" tanong niya ulit.
Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang paper bag na regalo sa kanya. He moved closer to me para mas lalo niya iyong makita.
Inabot ko sa kanya ang regalo ko at saka ngumisi.
"Ako rin naman ang nakabunot sa'yo eh." Nang hindi pa niya kinukuha ang inaabot ko ay kinuha ko ang kanyang isang kamay para sapilitan ko nang tanggapin iyon.
Sandali niya akong pinagmasdan bago bumaba ang tingin sa paper bag. Nakita kong nangunot ang kanyang noo. He opened it slowly. When he saw what's inside, bahagya rin siyang natawa sa nakita.
I scoffed, too.
"See? Kaya ako natawa dahil pareho rin tayo ng regalo sa isa't-isa." Ani ko at saka humalakhak ng bahagya.
Inilabas niya iyon sa loob ng paper bag. Color blue naman na plush octopus ang iniregalo ko. I saw him bit his lip and looked at me again.
"Salamat!" tipid na ngiting tugon niya sa akin.
I nodded. "Meron pa 'yan. Maliit na plush pillow naman. Partner do'n sa customized keychain mo."
Ako na ang kumuha no'n sa loob ng paper bag. Nang makapa ko sa kamay ko iyon ay agad kong inilabas para ipakita sa kanya.
He smirked. Nahihiya pang tanggapin ang inaabot ko sa kanya.
"Ang dami nito. Baka naubos ang pera mo?"
I chuckled. Hindi ko naisip iyon. Ang unang pumasok lang sa isip ko ay ang mabigyan siya ng regalo. Of course, I want to please him with my gifts, too. Gusto ko ring malaman na nagustuhan niya 'yon.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...