CHAPTER 57

131 6 2
                                    

Lae

Nahahapo na ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa. Inihatid ako ni Christian pauwi rito sa bahay. Hiningi niya ang permiso kong bumisita sa amin para makita si Patricia. Walang problema iyon sa akin dahil karapatan naman niya iyon bilang ama ng bata. Kahit alam kong hindi magugustuhan ni Papa ang ideyang buksan na ang pintuan para makapasok si Chris sa buhay ni Patty, sa paglipas ng panahon, alam kong mangyayari rin iyon.

Ang problemang naiisip ko ngayon ay kung paano namin ipapaintindi sa bata ang buong katotohanan.

I closed my eyes and heaved a sigh. Ito na ang bunga ng mga naging desisyon namin sa nakaraan. Pinili ko ito. Haharapin ko ito ng buong tapang.

Sooner or later, Patricia will eventually know the truth. She will probably be hurt and will be confused. Ipinagdadasal ko na lang na sana ay hindi maging negatibo ang reaksyong makukuha namin sa sa kanya.

I should also prepare myself for this transition. 

Bumangon ako para magtungo sa kusina. I think I need a bottle of beer again? Pagod ang katawan ko pero hindi ko na mahuli ang antok ko. Sa dami ng tumatakbo sa isipan ko, gising na gising ang diwa ko.

Tahimik na ang bahay. Si Manang Lusing ang nagbukas sa akin ng pintuan at nang tanungin ko kung nasaan si Papa, umakyat na raw siya sa kwarto niya.

I spent some minutes contemplating from what  had happened earlier while sipping my beer. I need a solid plan and a lot of courage to tell Patricia about everything she needed to know.

Patapos na ako sa pangalawang bote nang pumasok si Papa sa kusina. Nagtama ang mga mata namin at bakas ang gulat sa mukha niya ng madatnan ako roon. Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin. He remained silent, too, na sandali kong ipinagpasalamat dahil hindi ko alam kung sakaling masasagot ko siya sa mga magiging tanong niya.

I just looked away and drink the remaining beer until its last drop.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago siya dumiretso sa pakay niya. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig mula sa pitsel na inilabas niya sa ref.

"Hindi ka makatulog?" Tanong niya sa akin nang matapos siya sa ginagawa.

Tumango lang ako. Gusto ko pang humirit ng isang bote pero kung nandyan siya, medyo nahihiya akong kumuha. Pagkaalis na lang niya siguro.

Narinig ko ang pagbalik niya ng pitsel sa ref. I also heard the clicking of the bottles. Agad kong nahinuha na naglabas din siya ng ilang bote ng serbesa.

Umupo siya sa katabing upuan sa kanan ko. Inabot ang opener at nagbukas ng dalawang bote. Mukhang natunugan din niya na gusto ko pang umisa kaya nagbukas pa siya ng para sa akin.

I smiled a bit before I took the bottle he handed me. I mouthed my thanks. Tumango lang siya at tinungga ang para sa kanya.

"Noong unang gabi ng uwi mo, nadatnan din kitang umiinom. Ngayon na nagkaharap kayo ng dating nobyo mo, nadatnan na naman kita rito." Kalmado niyang sabi.

I chuckled a bit. Oo nga, 'no? I had jetlag that time, isabay pa na naga-adjust din ang body clock ko.

"Binabawalan mo lang yata akong uminom, eh." Sagot ko.

He scoffed. Sandali siyang natahimik bago umayos ng upo. Tila nag-iisip ng isasagot sa akin.

"Matanda ka na. Kahit hindi ka na magpaalam, hindi kita pakikialaman sa pag-inom mo ng alak."

I pouted my lips. I was expecting that he'll reprimand me for drinking. Noong nasa Amerika ako, kapag hindi ako nadadalaw ng antok, I resort to drinking. Well, my troubled mind is causing me that. A glass of wine or two, ay ayos na sa akin.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon