Lae
Sinamahan ako ni Christian sa counter para maipabalot na lang sa crew ang mga in-order kong pagkain para sa aming dalawa.
"You can join us, love." Pangungumbinsi niya sa akin.
Nilingon ko siya. His eyes are hopeful. Ganito ang itsura niya kapag kinukumbinsi niya ako sa isang bagay.
Saglit kong sinulyapan ang grupo nila. Nagtatawanan ang mga kasama niya. Si Mona, nakikipagbiruan sa isang kasama niyang lalaki. Iyong babaeng kasama nila ay nakikitawa naman.
"Bakit niyo kasama si Mona?" Mahinang tanong ko. Hindi ko binitawan ang nanghihinang pagtitig sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Halu-halong inis, awa sa sarili, at pagkalito ang naghahari sa akin.
Inis, dahil epic fail ang suprise ko para sa kanya. Kung sana pala dati ko siyang sinabihan, na plano sana namin ito ng mas maaga. Isa pa, hindi niya ako nasabihan ng maaga na may sarili pala siyang lakad. Ayoko rin namang obligahin siya sa mga ganoon bagay pero...ano lang naman kung magsabi 'di ba?
Kasabay ng inis na nararamdaman ko ay ang awa sa aking sarili dahil...pakiramdam ko, outcasted ako sa kanya ngayon. Pakiramdam ko, hindi ako ang pipiliin niya kung sakaling sabihin ko sa kanyang sa akin na lang siya sumama. Niyayaya niya nga akong makihalubilo sa kanila pero hindi rin naman yata ako makakasabay sa mga kaklase niya.
Saka dahil na rin sa katotohanang narinig ko na...hindi naman talaga ako girlfriend ni Christian.
Ewan ko ba. Hindi ako kumportableng marinig iyon. Masakit pakinggan, like I was rejected indirectly.
Alam namin ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. We cherish each other so much. We love each other in the most perfect way we could understand.
Pero kapag pala inalisa ng mabuti, masakit palang pakinggan ang katotohanang...hindi siya akin. Hindi ko siya pagma-may-ari.
At...bakit niya kasama si Mona?
"Kaklase ko si Mona, Lae." Sagot niya.
Napalingon ako sa kanya. Sandaling natigil ang paghinga ko. He never said that. Sa dalawang taon namin sa college, ngayon ko lang ito nalaman.
Tinawag ako ng crew at inabot ang paper bag at paper cup holder sa akin. I smiled and nodded before I turned to him again.
I don't want to show to him how bad I feel right now. Ayokong mag-isip siya na baka nagpapaawa ako. Sabi nga niya sa akin noon, we should expand our horizons and meet new friends. Grow socially.
Pero kasi...sa parte ko, sapat na siya sa akin eh.
I smiled and nodded at him. I made sure it was genuine and no hint of bitterness like what I feel inside now.
"Puntahan mo na sila. Baka hinihintay ka na nila." Sabi ko. Hawak ko na ang mga pagkain na ipinabalot ko.
"Ihahatid na kita."
Umiling ako ng ilang beses. "Hindi na! You're with your friends. Enjoy your time—-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa kanya dahil may tumawag sa akin sa gilid ko.
"Lae!" I heard a familiar voice.
Pareho naming nalingunan ang direksyon kung saan nanggaling ang boses ng tumawag sa pangalan ko. I saw Joshua approaching us. Maluwang ang ngiti niya sa akin bago bumaling sa kasama ko.
Tinapik niya sa balikat si Chris. Naagaw niya sandali ang atensyon namin. Okay na rin 'yon. Baka kasi 'pag nagtagal pa ang usapan namin, hindi ko na mapigilan ang sarili ko't baka tuluyan akong hindi makapagtimpi.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...