CHAPTER 12

119 4 0
                                    

Lae


Patakbo na akong pumasok sa loob ng bahay. Kasunod ko lang si Christian sa likod ko. Niyaya ko siyang pumasok sa loob para makapagmeryenda. Isa pa, naisip ko kung uuwi siya agad, paniguradong magtataka rin ang parents niya. Iisipin pa nilang nag-cutting classes siya, kahit ang totoo naman ay sumama lang siya sa akin dahil sa sitwasyon ko.

"Manang Lusing! May kasama po ako. Magpapalit lang po ako sa taas!" tawag ko sa kanya. Ibinaba ko ang bag ko sa sofa at binalingan si Christian.

"Dito ka muna, ah? Magpapalit lang ako." Paalam ko.

Tumango siya. Iniwan ko na rin siya roon at mabilis na umakyat sa taas. Naligo na ako dahil hindi ko matagalan ang discomfort sa katawan. Naramdaman ko ulit ang sakit ng puson ko. Mabuti na lang at Biyernes na. Makakapagpahinga ako sa Sabado at Linggo. Madalas pa naman akong magka dysmenorrhea 'pag may buwanang dalaw.

Nagsuot lang ako ng cotton shirt at tokong maong shorts. Mabilis akong nagsuklay at inayos ang sarili. Kailangan kong magmadali dahil may naghihintay sa akin sa baba.

Bago ako bumaba, tiningnan ko ang jacket na ipinangtakip niya sa likuran ko. I saw fresh bloodstains on it. Ngumiwi ako. Hindi ko ito ibabalik sa kanya ng hindi pa nalalabhan. Bumalik ako sa banyo ko sa kwarto para ibabad iyon sa tubig na may sabon.

Nadatnan kong pinaghahain na siya ni Manang Lusing ng meryenda sa sala. Napansin kong tinanggal na niya ang polo shirt niya. Naka t-shirt na puti na lamang siya ngayon sa kanyang pang-itaas.

"Salamat po." Narinig kong sabi niya.

"Kain ka lang, hijo. Huwag kang mahihiya." Ani Manang Lusing.

"Opo."

Nakababa na ako sa huling baitang ng hagdanan nang masalubong ako ni Manang. I stopped. Sandali kong sinulyapan si Christian na nakatingin na rin pala sa akin. Ibinalik ko ang tingin kay Manag Lusing dahil mukhang may sasabihin sa akin.

"Paano kayo nakauwi ng maaga?" usisa niya sa akin.

Napatda ako sa tanong niyang iyon. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ang totoo sa kanya. Lahat kasi ng ikinikilos ko ay nirereport niya kay Papa. Siya ang kasa-kasama ko rito sa bahay. Lalo na't malayo ang destino ng tatay ko't ayaw naman niyang mag-isa akong tumira rito.

"Eh..." kinamot ko ang aking ulo.

"Tumakas ba kayo?" hula niya.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Mukhang wala na akong choice kundi ang magsabi ng totoo.

Hinawakan ko siya sa kanyang braso. "Manang, huwag mong sasabihin kay Papa. Please? Natagusan kasi ako, eh. Hindi naman nagpapalabas ang gwardya ng estudyante kapag wala pang 5 p.m."

"Hindi ba kayo hahanapin ng maestra niyo? Tumakas kayo sa eskwelahan!"

Umiling-iling ako. "Hindi! 'yong ibang classmates ko nga, nagka-cutting din eh!"

She sneered at me. Matanda na si Manang. Papasa na ngang lola ko eh. Kaya kapag may nagagawa akong kapilyahan, nakakatikim din ako sa kanya ng pangaral.

"Oh siya, siya...kumain ka na. Sabayan mo 'yong kasama mo ro'n." masungit na sabi niya at iniwan ako na ako.

Sinundan ko ng tingin ang paglayo niya sa akin. Bahala na. Kung isusumbong niya ako kay Papa, mage-explain na lang ako.

Lumabi akong lumapit kay Christian. He's looking at me intently. Nang makaupo sa single sofa, dinampot ko ang isang wrap ng turon at sinabayan na siyang kumain.

"Napagalitan ka?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi naman. Nagtanong lang."

Tumango siya at saka kumain na rin.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon