CHAPTER 22

94 3 0
                                    

Lae

"Kwentuhan mo nga ako tungkol do'n!" Sabi ni Papa habang kumakain kami sa isang buffet restaurant sa mall.

Kanina pa niya kinukulit tungkol kay Christian. Kapag wala na kaming ibang mapag-usapan, uulitin na naman niya ang mga tanong niya tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa na sa daloy ng usapan namin. Baka mamaya, 'pag may nalaman siya, kagalitan niya ako.

"Bakit siya lagi ang tinatanong mo? Ako ang anak mo, 'Pa!" Pabiro kong sagot sa kanya.

"Nanliligaw ba sa'yo?"

"Hindi po." Kasi 'yon naman ang totoo.

"Hindi nanliligaw sa'yo pero boyfriend mo na?"

Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siya at makailang ulit akong umiling! Saan niya nakuha ang ideyang 'yon?!

"Hindi ko po siya boyfriend, Papa!" Mariin kong sabi.

He sneered at me. Pinanindigan ko ang mga sagot ko dahil wala naman sa mga sinabi niya ang totoo.

Pagkatapos naming kumain, niyaya niya akong manood ng sine. Action movie ang gusto niya pero comedy naman ang gusto ko. Kung hindi lang malapit na mag-umpisa ang movie, hindi pa kami magde-desisyon kung ano talaga ang papanoorin namin.

"Ganito na lang po, 'Pa. Manood ka sa gusto mong movie, panonoorin ko ang gusto ko." I suggested.

Nangunot ang noo niya. "Maghihiwalay tayo?"

I nodded. "Opo! Para—-"

"Hindi na! Doon na tayo sa gusto mong pelikula! Baka tabihan ka pa ng manyakis sa loob ng sinehan." At saka ako iniwan sa may posters para pumila.

I shook my head. Papa has always been protective to me. Hindi man niya ako pinagbabawalan sa mga bagay na gusto kong gawin, alam naman niya kung ano ang tingin niya'y makakabuti sa akin.

Hindi rin naman siya na-bored sa pinili kong pelikula dahil nag-enjoy kami sa panonood. Akala ko, tutulugan niya lang 'yong movie pero hindi ko alam na magugustuhan niya iyon.

After watching, niyaya pa niya ako sa department store para mamili raw ng mga bagong damit at kaunting gamit. Hindi naman ako tatanggi roon. Gusto ko rin ng mga bagong damit pero hindi ako bibili ng marami, dalawang pares, okay na siguro sa akin 'yon.

"Bili ka rin ng sapatos mo, 'nak!" Alok niya habang papalapit kami sa shoe section.

"Tss marami pa akong sapatos, Papa."

"Eh, 'di dagdagan mo." Lumapit siya sa isang brand ng sneakers at nagsimulang tumingin tingin doon.

Naupo ako sa upuang bakante kung saan nauupo 'yong mga nagsusukat ng sapatos. Naalala ko si Christian. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng bag ko at chineck kung mayroon siyang text.

I received three messages from him.

Christian:

Enjoy your day with your Papa.

I scrolled down to read more of his messages.

Christian:

Kakain na kami ng lunch. Diyan na rin ba kayo kakain?

Christian:

Text me when you get home. Okay? Huwag ka munang magreply kung kasama mo pa ang Papa mo. Enjoy your day with him.

I smiled. Binalik ko ang cellphone sa bag ko pagkatapos kong mabasa ang lahat ng text niya. Mamaya ko na siya rereply-an. Baka 'pag nagtext na ako ay hindi na kami magtigil sa pagreply sa isa't-isa.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon