CHAPTER 64

138 5 3
                                    

Lae

Hindi pa kami nagsisimulang mag-usap ay umagos na ulit ang panibagong luha mula sa kanyang mga mata. Her face was already drenched with her own tears. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan pero ramdam ko ang sakit na pinaghuhugutan niya.

"Christian broke up with me." Her voice broke.

Literal na nahinto ako sa paghinga. She really look hurt and miserable. Naalala ko ang sarili ko noong mga panahong nasasaktan din ako dahil sa pag-ibig. Parang hindi nauubos ang sakit, mas lalo lamang iyong tumitindi.

"Three years, Lae! We've been together for three years. Ibinigay ko sa kanya ang lahat ng pwede kong ibigay. Minahal ko siya kahit alam kong hindi niya kailanman mapapantayan ang pagmamahal ko sa kanya. I was patient to him, so loving, that I was willing to accept anything he can offer."

Nagpatuloy siya sa paghikbi. Awang-awa ako sa kanyang itsura. Para siyang batang inapi. Habang ako, nanatiling nakatayo sa kanyang harapan.

"Pero kahit ano'ng gawin ko," nagbaba siya ng tingin at saka umiling ng ilang beses. "Ikaw pa rin pala ang hinahanap-hanap niya. Sa'yo pa rin niya gustong gugulin ang buhay niya."

I felt a lump on my throat. Gusto kong magsalita. Gusto kong alamin ang nangyari pero hinayaan ko lang siyang magsalita.

"Nang malaman niyang uuwi ka, madalas ko siyang mahuling nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip. Kahit kasama niya ako, lumilipad ang isip niya. At alam kong naglalakbay ang diwa niya sa'yo kahit wala ka rito."

Umiling ako. Iyon lang ang tanging reaksyon na kaya kong ibigay ngayon.

She smiled bitterly. "Ang sabi ko sa sarili ko, kaya kitang pantayan, kahit ungusan pa! I was there when he was devastated. Ako ang dumamay sa kanya noong mga panahong pakiramdam niya'y mag-isa lang siya. I was there in his lowest. I made sure that I'm making him feel loved. Kaya sa laki ng sakripisyo ko, umasa akong ikokonsidera niya iyon at hindi ako iiwan." she shook her head again. "Pero ikaw, narinig lang niya ang boses mo sa telepono, nababaliw na siya."

"Why are you saying this?" Sa wakas ay nagkalakas ako ng loob na tanungin siya.

"D-Dahil..." humikbi siya. "K-Kung hindi mo na siya mahal, pwede bang sa a-akin na lang siya?"

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang nagmamakaawa niyang mga titig. Uminit ang mga mata ko, nagbabadyang bumuhos ang mainit na mga luha. I expecting her to be mad at me for some reason. Pero...bakit siya nagmamakaawa ngayon sa akin?

"The moment I saw you with that child, alam kong talo na ako. Gabi-gabi akong hindi makatulog dahil posibleng anak ninyo ang bata. And when Christian finally broke the news to me, my nightmares came true."

"Sinabi ko sa kanyang ipaalam niya sa'yo a-ang tungkol sa bata—-"

"Alam ko. He told me that." Lumapit siya ngayon sa akin. "Now, I will ask you again. Do you still love the man of my life?"

Hindi ko siya masagot. Paano ko ba siya sasagutin? Nasa harapan ko ang isang babaeng sawi dahil sa pag-ibig. Minahal, iningatan at inalagaan niya ang lalaking pinakamamahal ko. Maayos na sila. Lumakas lang naman ang loob ni Chris nang malaman niyang may anak kami.

"What if I say no?" Balik tanong ko sa kanya. Nag-angat ako ng tingin dahil gusto kong malaman ang magiging reaksyon niya.

Suminghap siya at nagpunas ng luha sa mukha. Biglang tumapang ang kanyang itsura. The transition of her emotion is very evident.

"I'll have him back. Gagawin ko ang lahat, bumalik lang siya sa akin." Ipinilig niya ang kanyang ulo. "Tatanggapin ko ang sitwasyong may anak siya sa'yo. I'll understand him better. I'll love him more, na hindi na niya kakailanganin pa ang pagmamahal mo."

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon