Christian
Kauuwi ko lang galing sa trabaho nang madatnan ko si Lae na nakatayo habang nakasandal sa pasimano ng veranda. It's almost sunset. Tanglaw ang kulay kahel na liwanag na galing sa araw habang ang kanyang mga mata'y malayo rin ang nilalakbay.
I sighed. Ibinaba ko ang bag na hawak ko sa coffee table at tinungo kung saan siya nakatayo. I felt her stiffened when I wrapped my arms around her waist behind her. Narinig ko ang mahina niyang hagikhik nang ilubog ko ang mukha ko sa pagitan ng kanyang balikat at leeg.
Wala akong ibang maramdaman kundi ginhawa sa piling niya. I would trade anything in my possession as long as she's with me.
She's my home.
"Nakauwi ka na pala," marahan niyang sabi. Hinawakan niya ang mga braso kong nakapulupot sa kanya. I only nodded as my response. "Maaga akong nagluto ng ulam." Aniya.
Umahon ako at patagilid siyang sinulyapan. "Hindi ka ba napagod?"
She looked at me quizzically. "Duh? Nagluto lang ako, Chris."
I smirked as my right hand crawled down to her lower abdomen and started caressing it. "Wala pa ba?" I asked meaningfully.
Pabiro niya iyong tinapik. "Tigilan mo nga ako, Christian! May trabaho pa akong babalikan sa ibang bansa. Ang hirap magbuntis ng walang aalalay sa akin."
"Eh 'di huwag ka ng bumalik." Suhestiyon ko na parang maliit na bagay lamang ang sinasabi niya.
Bumuntong-hininga siya. "Hindi pwede. Kailangan kong tapusin iyon at pormal na magpaalam. Isa pa, I still have my things back in my apartment. May mga kailangan pa akong ayusin." She reached my face and kissed me on my cheeks. "Hindi ba't nag-usap na tayo tungkol dito?"
Wala akong ibang nasagot kundi tango lamang. Hindi ko pwedeng hadlangan ang mga plano niya ngayon. It's her career we're talking about. I still have to consider so many things before I ask her to finally settle down here.
"Whatever you want, wife." I whispered.
Ayos na sa akin itong pagpayag niyang pagpapakasal sa akin kahit na masyadong mabilis ang mga pangyayari. I was able to arrange everything according to my plans. Our marriage was filed in the registration. Hindi lang iyon basta seremonya.
We are married legally. I am his husband and she is my wife.
I could settle for that now.
"Besides, I want to spend my remaining weeks with you and Patty. Gusto kong gugulin ang oras ko sa inyong dalawa." Sabi niya.
Tumuwid ako sa pagkakatayo ko, but my arms around her waist remain from my tight embrace. Naramdaman ko ang marahang pagpiglas niya mula sa mga hawak ko pero hindi ko siya hinayaan. Mas lalo ko siyang hinapit papalapit sa akin. Ngunit nang mapagtanto ko ang gusto niyang mangyari, bahagya kong niluwangan ang pagkakahawak ko sa kanya.
Hinarap niya ako. Her hands rested on my shoulders. Her cute lips pouted when our eyes met. Parang may gustong sabihin pero hindi maibulalas.
"You'll have us until the day of your flight. I'll file a leave in the office." I smiled assuringly. "Gusto mo bang magbakasyon tayo?" Aya ko sa kanya.
She pouted more. Iniwas niya saglit ang tingin para makapag-isip. "Uhm... pwede. We can only go on weekends, though. Patty has a class."
"Walang problema," saad ko.
Inabot niya ang mukha ko at marahang hinaplos iyon. "Magpalit ka na. Maghahain lang ako."
Hindi ako kumilos agad. Mataman ko siyang pinagmasdan, na parang kinakabisa ang bawat sulok ng kanyang mukha. I tucked the loose strands of her hair at the back of her ear while my eyes are gracing her beauty.
BINABASA MO ANG
Bridge
RomanceMag-kaklase si Lae at Christian noong high school sila. Both of them are honor students, kaya mahigpit ang kumpetisyon sa academics at extra-curricular activities. Lae is a bubbly girl, with a positive outlook and friendly to everyone. However, Chri...