CHAPTER 40

104 5 0
                                    

Lae

Walang nakakaalam na ngayon ang uwi ko maliban kay Papa. Wala akong pinagsabihan sa mga kaibigan ko ng eksaktong araw kung kailan ang lapag ko rito sa Pilipinas. Kaya nang makarating ako sa airport ng siyudad, kailangan ko pang humingi ng assistance sa staff ng airport para sa mga bitbit kong bagahe.

Agad kong natanaw si Papa sa waiting area. As usual, mukha na naman siyang jeprox sa suot niya. I smirked. Hindi na nagbago. Kahit saan-saan na lang talaga, eh.

"Papa!" Malakas ang boses ko ng tawagin ko siya.

Sandali siyang luminga-linga bago tanggalin ang shades na suot niya. My father aged but he was able to maintain his physique. Retired na kasi siya sa serbisyo kaya hindi ko alam kung paano niya napanatili ang ganda ng katawan niya.

Lakad-takbo ang ginawa ko para masalubong ko siya. Malapad ang mga ngiti niya ng ambahan niya ako ng yakap na hindi ko naman tinutulan. Para akong batang mahigpit na kumapit sa leeg ng amang kay tagal kong hindi nakasama.

It's like I'm a lost child who went astray and found my way home.

"Papa!" I squealled. Narinig ko ang halakhak niya habang yakap ako.

"Welcome home anak." Iyon ang bungad niya sa akin.

Tumango lang ako habang nakayakap pa rin sa kanya. Hindi ko napigilan ang maiyak. Suminghap ako at tuluyang tumulo ang mainit na luha sa aking pisngi. My father surely felt my tears on his shirt. Pero wala akong pakialam.

Wala akong narinig na salita sa kanya. Hindi siya nagtanong. Hinagod niya ang aking likod, tila kinakalma ako, katulad ng dati.

"Shhh. Tama na." Pagtahan niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap namin para harapin siya. Nabasa ko na ang puting tshirt niya. Basa pa rin ang pisngi ko ng mga luha kaya siya na ang nagpahid no'n gamit ang mga palad niya.

"Halika na, umuwi na tayo." Nakangiting turan niya.

I nodded and smiled at him. Namuo muli ang mga luha sa gilid ng aking mga mata pero pinigilan ko ng lumandas iyon sa aking mga pisngi. Sinalo iyon ng mga panyong inabot sa akin ni Papa bago niya ako iginiya sa kulay puting Ford Ranger.

Tinulungan kami ng staff na isakay ang mga bagahe ko sa sasakyan. Ang dalawang balikbayan box na dala ko ay isinakay sa cargo bed ng sasakyan. Matapos kong abutan ng tip ang lalaki, umalis na rin kami roon para makauwi na agad.

Maraming nagbago sa siyudad ngayon. Mga bagong patayong malls at iba't-ibang establisyimento. Kung dati, maliliit na tindahan lang ang nasa gilid ng kalsada, ngayon naman ay puro developed sites na ito na pinatayuan ng commercial complex.

Dalawa lang ang hindi nagbago sa lugar na 'to: ang traffic at ang sobrang init na panahon.

"Gutom ka na ba anak?" Tanong sa akin ni Papa.

Nag-eenjoy ako sa panonood sa mga nadadaanan namin kaya sinagot ko siya ng hindi lumilingon sa kanya. "Hindi po, 'Pa."

Wow! May bagong patayong mall din dito. This is really huge!

"Papa, kailan pa po ito?" Turo ko sa mall na kasalukuyan naming nadadaanan.

"Noong isang taon lang. Madalas akong yayain ni Patricia diyan dahil gusto raw niyang tingnan iyong playground sa loob."

"Hindi pa ba kayo namasyal diyan?"

Umiling siya. "Ang sabi ko, hintayin ka na lang niya dahil matanda na ako para roon."

Ngumuso ako. "Indoor playground lang 'yon, Papa. Pwede mo siyang hayaan maglaro roon basta kasama mo siya."

"Aba'y napakalikot na bata! Takbo ng takbo. Eh noong nakaraan nga'y nabasag ang kilay dahil nahulog sa huling baitang ng hagdanan, tumama sa dulo ng konkreto ang kilay kaya ayon, tinahi ng doktor sa ospital."

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon